Batu-bato sa langit ang tamaan, sapol!

MAHALAGA ang pananaw ng isang indibidwal o grupo sa isang komunidad o bansa. Ginagamit itong batayan sa kahihinatnan ng anumang desisyon o aksiyon.

Sa international politics, ang persepsyon ay nabubuo kapag ito’y pumapabor o kumukontra sa “interes” ng mga malalaking bansang humuhusga sa mga malilit na bansang hinuhusgahan, kung sila’y may mapapakinabangan o wala. ‘Yan ang hubad na katotohanan!

There’s this saying that “perception is everything”. Para sa akin, pareho itong tama at mali kaya’t hindi dapat nagpapatali sa ideyang ito. Lalo na kung makikisawsaw na ang media.

Sa Pilipinas, nalilihis ang persepsiyon ng ibang mama­mahayag (lalo na ang mga higante). Nahahaluan ng pansariling interes at sariling persepsiyon ang paghahatid ng balita. Simula nang maupo si Pres. Rodrigo Duterte, naging OB-OB, ENG-ENG at OA ang estilo ng pamamahayag sa bansa.

Sa sobrang kabobohan este kabibuhan puro pambabatikos na lang ang kanilang alam. Kaliwa’t kanang pagkontra sa mga batas at proyektong ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon. Nilalason at ginugulo ang utak ni Juan Dela Cruz. Binibigyan ng walang katiyakan ang bawat isa na kalauna’y nauuwi sa kaguluhan. Palibhasa, naka-sentro ang atensiyon ng mga putok sa buho sa paninira at panggi­giba sa Presidente.

Makinig kayo! Anumang isyu, kapag hinaluan na ng pansariling interes at persepsyon, ‘di na ito maituturing na balita. Bagkus isa lamang itong kuro-kuro o haka-haka, mas malala fake news. Dahil ang totoong balita, naka-base sa mga hard facts and evidences at hindi sa pansariling opinyon.

Ito ang hamon ko sa inyo...if you call yourselves a journalist, act like one! Ngayon kung ‘di mo kayang panindigan, lumayas ka. Larga! Para naman sa mga tagasubaybay ko sa TV man o social media, mayroon akong paalaala. ‘Wag basta-basta maniniwala sa inyong mga napapanood at nababasa. Laliman ang pag-iisip kung ayaw n’yong malason sa mga maling impormasyon.

Show comments