BI - NAIA, alerto sa mga pekenis

AKALA yata ng mga pekenis na mga international passengers ay kaya nilang bilugin ang ulo ng mga immigration officers na nakatalaga sa NAIA.

Sabi nga, kung anu-anong gimik ang ginagawa para lamang maka-exit palabas ng Philippines my Philippines ang mga kamote.

Ikinuento ni BI Associate Commissioner at con-current Port Operation Division chief Marc Red Marinas, ang istilong ginawa ng isang Frederick Buchester, 54, isang Liberian national, na pumasok sa Philippines my Philippines last July 4.

Nagpasiya itong umalis last July 24, pabalik ng kanilang bansa pero pagdating sa immigration departure counter para sa ‘exit’ clearance ay pinagdudahan ito ng immigration officer sa Liberian passport na ibinigay niya.

Ipinasilip ng immigration officer sa grupo ng BI Anti-Fraud Section, ang passport nito.

Ilang minuto matapos masilip ang passport ni Buchester sinabi ng Anti-Fraud Section na peke ang passport niya.

Ang ipinakitang residence card ni Buchester ay genuine.

Sa pangyayari ay hindi pinayagan si Buchester na makaalis ng Philippines my Philippines at inilipat ito sa pag-iingat ng BI - Boarder Control.

Sinabi ni Red, tiyak na irerekomenda nilang ilagay sa talaan ng blacklist passenger si Buchester.

Abangan.

* * *

Prostitution dens sa Kyusi?

INUMPISAHAN ng tarahan este mali salakayin pala ng mga alagad ng batas ang mga ispakol sa Kyusi na sinasa­bing front ng prostitution.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  isang spa sa Kamuning ay may mga nahuli pang mga ‘minors’ na masahista.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang oplan pagpapakilala este mali salakay pala ay ibinase sa ginawang paniniktik ng mga alagad ng batas sa mga spa o massage parlors na diumano’y front ng prostitution.

‘Hindi biro ang dami ng mga ispakol sa Kyusi talamak ito rito at hindi biro ang singilan blues sa ‘special’ service offered nila sa kanilang biktima este mali kliente pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imomonitor nila ang operasyon ng pulisya laban sa mga prostitution dens sa Kyusi.

‘Aalamin natin ang pakay ng pulisya sa mga mahuhuli nila kung ano ang kanilang gagawin.’ sabi ng kuwagong ma - L.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaabot sa 2,500 hanggang P5,000 ang bayaran sa mga extra services sa mga magagandang masahista pagdating sa cubicle.

‘Kung ano man ang mga minamasahe nang mga ito iyan ang alamin natin.’ sabi ng kuwagong kumakanta.

Abangan.

Show comments