^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Matindi pang giyera vs illegal na droga

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Matindi pang giyera vs illegal na droga

KUNG ang unang drug war ng Duterte admi­nis­tration ay matindi, mas patitindihin pa ito ngayon. Hindi magbabago ang kampanya ng pa­mahalaan laban sa droga sa kabila na maraming bumabatikos. “Your concern is human rights, mine is human lives,” sabi ni President Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Mas magiging maigting at diniin pa ng Presidente, “Illegal drugs war will not be sidelined. Instead, it will be as relentless and chilling, if you will, as on the day it began.’’

Mula July 2016 na sinimulan ang giyera laban sa illegal na droga, hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa 4,354 ang mga namatay sa kampanya. Ayon sa Philippine National Police (PNP) karamihan sa mga drug suspect ay napatay sa operasyon nang lumaban ang mga ito habang ina­aresto. Bukod sa mga napatay, marami ring nahuli, tinatayang 102,630 mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 30, 2018.

Binatikos ang unang giyera laban sa droga sapagkat marami umano sa mga napatay ay napagkamalan lamang. Mayroong sumusuko na pero pinagbabaril pa rin. Mayroong tinaniman lamang umano ng shabu at saka inaresto na.

Mayroong menor-de-edad na inaresto ng mga pulis sa Caloocan City dahil sa pagiging runner daw pero makaraan ang ilang minuto, natagpuang patay ang bata. May mag-ama na sumuko sa mga pulis dahil inakusahang nagtutulak ng shabu sa Pasay pero makaraan ang ilang sandali, pinagbabaril na ang mga ito dahil nanlaban daw. Patay ang mag-ama.

Ang unang giyera laban sa droga ay pinagkaki­taan ng mga corrupt na pulis na naka-assign sa drug enforcement unit. Tinataniman ng shabu ang mga suspect at saka peperahan. Mayroong mga pulis na na-videohan habang sinasalakay ang isang establishment at tinataniman ng shabu ang mga bag na gamit ng empleado at saka nila kokotongan.

Kung magiging ganito na naman ang mas pina­tinding giyera laban sa droga sa mga darating na araw, marami na naman ang mamamatay at maraming mabibiktima ng mga corrupt na pulis. Kailangang maging maingat ang PNP para hindi mabatikos. Ilagay sa ayos at nasa batas ang giyera sa illegal drugs.

Related video:

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with