^

PSN Opinyon

EDITORYAL - DepEd ang magpasya sa suspension ng klase

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - DepEd ang magpasya  sa suspension ng klase

IPINAUUBAYA sa mga mayor ang pagsuspinde sa klase ng mga school na kanilang nasasakupan kapag may baha o kalamidad. Kapag walang announcement ang mayor o opisyal ng bayan o siyudad sa suspensiyon nangangahulugang tuloy ang klase. Kailangang pumasok sila dahil wala namang iniaanunsiyo. At dito nagkakaroon ng kalituhan sapagkat napipilitang sumugod sa ulan at baha ang mga estudyante para makapasok. Ang masaklap, pagdating ng mga estudyante sa school saka maglalabas ng announcement ang mayor na suspindido na ang klase. Walang magawa ang mga estudyante kundi umuwi. At dito panibagong hirap na naman ang kanilang haharapin sapagkat wala na silang masakyan dahil nagkasabay-sabay sa pag-uwi. Mataas na rin ang baha kaya delikado para sa mga estudyante. Maaring mahulog sa imburnal habang naglalakad.

Mabuti sana kung maaga pa lang ay nag-aanunsiyo na ang mga mayor na walang pasok. Mayroon namang mayor na sa gabi pa lang ay inihahayag na ang class suspension para nga naman hindi na maghanda ang mga estudyante sa pagpasok. Hindi na hinahayaang makalabas ang mga estudyante.

Pero mayroong mga mayor na binabaha na ang paligid ay hindi pa rin nagpapahayag ng suspensiyon ng klase. Maraming magulang at estudyante ang naghihintay sa announcement pero wala silang marinig. Hinihintay pa yatang may madisgrasyang estudyante bago magdeklara na walang pasok.

Dati naman, ang Department of Education (DepEd) ang naghahayag na walang klase kapag may baha o malakas ang ulan. Pero sa bagong kautusan, inilipat sa mayor ang pagpapasya sa pagsuspinde sa klase. Nawalan ng kapangyarihan ang kagawaran sa pagsuspinde sa klase kapag may kalamidad gaya ng baha.

Mas makabubuti kung ibabalik sa DepEd ang pagpapasya sa pagsuspinde sa klase. Ang DepEd lamang ang magsasabi kung walang klase at wala nang iba pa. Mas nakaaalam ang DepEd kaysa mga mayor na kailangan pang gisingin para lamang itanong kung may pasok ba o wala.

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with