^

PSN Opinyon

DOT pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG walang katapusan ang nauungkat ng COA sa Department of Tourism, partikular noong panahon ni Sec. Wanda Teo. Bukod sa P60 milyon na ibinayad sa Bitag Media, kumpanya ng kanyang kapatid na hindi pa ibinabalik, P2.5 bilyong halaga ng mga kuwestiyonableng gastos at transaksiyon ang tinutukoy ng COA ngayon. Kasama rito ang mga proyekto na hindi naman masukat kung matagumpay o hindi. Ang pangunahing layunin ng DOT ay ipakita o ibenta ang bansa na isang kaakit-akit na destinasyon para sa mga turista, maging lokal o dayuhan. Kaya ang mga proyekto ay dapat ipakita nga kung gaano kaganda ang Pilipinas. Kung hindi nga nasusukat ang tagumpay nito, paano malalaman kung epektibo? Mara-ming dokumento rin umano ang kulang para suportahan ang mga proyekto, pati na rin ang mga binayarang kumpanya para tulungan ang DOT sa kanyang layunin.      

Pinuna rin ng COA ang kawalan ng gabay hinggil sa pagbiyahe sa ibang bansa. Nasa 94 na opisyal at empleya­do ng DOT na sumama sa iba’t ibang biyahe sa ilalim ng DOT, kung saan inabot ng P19 milyon ang gastos. Maaalala na naging isyu na isinama umano ni Teo ang kanyang “make-up artist”. Pero executive assistant daw niya iyon, kaya puwede raw isama sa biyahe. Pinuna rin ang naging “baon” ng mga opisyal, kabilang ang P863,951.95 na allowance ni Teo para sa biyahe sa limang bansa. Lumalabas na P172,790.39 ang kanyang allowance bawat bansa? Para sa ilang araw naman kaya iyan? Ilan pang opisyal na bimiyahe ang nakatanggap din ng mga cash allowance. Wala raw gabay ang DOT sa pagbiyahe ng mga opisyal at empleyado kaya maaaring maabuso. Magagawa naman daw ng mga tanggapan ng DOT sa ibang bansa ang ginagawa ng mga bumibiyahe. Hindi lang iyan. Pinuna ng COA ang mga pinagkukukuha ng DOT mula sa Duty Free Philippines sa halagang higit P4 milyon, gamit din ang kita ng DOT sa Duty Free, bagay na bawal daw.

Narinig ko si President Duterte na galit na galit na nilalarawan ang ilang pinuno ng gobyerno na sisibakin na niya, dahil sa pang-aabuso sa pagbiyahe. Narinig ko rin ang kanyang “bahid ng korapsiyon” na pahayag. Pero wala akong narinig sa kanya hinggil kay Teo. Tinanggap lang ang pagbitiw. Habang maraming naghihirap sa bansa dahil sa taas na ng bilihin gawa ng TRAIN at iba pang dahilan, masarap naman ang buhay ng ibang mga empleyado ng gobyerno at sagot pa ng bansa ang kanilang mga gastusin. Ano pa kaya ang mauungkat ng COA? At ano na ang gingawa ni DOT Sec. Romulo-Puyat para hindi na maulit ang lahat ng mga pinupuna ng COA sa ilalim ni Teo?

DEPARTMENT OF TOURISM

WANDA TEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with