^

PSN Opinyon

Paiba-ibang isip ni Digong

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HALOS 80% ng mga Pilipino ay Kristiyano, magkakaiba man tayo ng relihiyon ay iisang Diyos pa rin ang ating sinasamba. Para sa akin iwasan naman sanang isali sa eksena ang ating Panginoon. Ang Diyos ang naiipit sa hid­waan ng gobyerno at simbahan. Tuloy, pati ang Diyos­ ay nakakatikim ng mura kay Pres. Digong Duterte.  Tama na sana kung sabihin niyang hindi siya naniniwala sa sinasamba nating Diyos, huwag naman na sana niyang tawaging istupido, ‘di ba?

Bumaba ang rating ngayon ni Digong pero good pa rin kung patuloy pa rin siyang makikipagbakbakan sa Simbahan. Sigurado ako mababawasan pa ‘yan. Akala ko pa naman BFF na ang gobyerno at simbahan dahil nagpulong na nga ang dalawang lider. Hindi nakatiis si Digong at muli na namang binanatan ang mga pari.  Ang problema sa ating Presidente ay paiba-iba ang isip.  Nung nakaraang linggo ang sabi niya sa mga komu­nista, tapos na ang usapan at hinamon ulit ang mga ito ng giyera. Ngayon nag-iba ang ihip ng hangin at muling sinabi na may pag-asa ang peace talk. Ano ba talaga kuya? Kami’y litong-lito na sa mga sinasabi mo.

Pagkatapos makipag-meeting ni Digong kay CBCP Pres. Archbishop Romulo Valles nagdeklara sila ng cease­fire.  Wala munang magbabatikos sa bawa’t isa. Aba!  Wala pang isang araw ang lumipas, heto’t sunud-sunod na atake na naman ang nangyayayri, at ang sa tingin ko’y mali, rumesbak ang CBCP, ay hindi nga matatapos ang gulo sa pagitan ng gobyerno at simbahan kung walang magpapakumbaba na isa sa kanila.  Parang sa mga komunista lang tuloy ang giyera.

Umasa pa naman ang marami nating kababayan na magwawakas na ang gusot nina Digong at mga pari. Oo nga’t magkaiba ang ating paniniwala pero ka­ilangan nating magkaisa para sa kapayapaan ng ating bansa.

DIGONG DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with