NAGULANTANG ang Makati City LGU’s sa napabalitang malalang problema sa plastic pollution ng ituro ang Philippines my Philippines na number 1 daw na pinanggagalingan ng tons of plastic waste na naa-anod sa buong mundo at nagiging dahilan ng pagkasira ng marine life.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binalaan ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga food at retail businesses sa kanyang area of responsibilities na sumunod sa citywide plastic ban at gumamit na sila ng mga environment-friendly packageing at dining utensils.
Tumpak!
Iyan si Abby, may malasakit sa madlang pinoy pagdating sa kalusugan at proteksyon ng kalikasan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nalaman ni Abby na ang ilan sa mga food establishment ay may paglabag sa Solid Waste Management Code sa Makati.
Ika nga, sa 2,269 retail establishments at food outlets, 114 o 5% dito ang lumabag sa plastic ban.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iginigiit ni Abby, na kailangan magkaisa ang lahat sa pagsasagawa ng kongkretong aksiyon upang kaagad na mabawasan ang bulto ng non-biodegradable waste na itinatapon sa kada araw.
‘Ano kaya ang masasabi rito ni QC Mayor Bistek Bautista tungkol sa usapin plastic ?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Abangan.
Parilla grill, bow wawow
NANGGAGALAITI sa buwisit ang senior citizen na gustong kumain sa Parilla grill resto dyan sa may Scout Reyes, Kyusi, dahil hindi pala uso dito ang priority para sa kanya porke naghintay ito ng napakatagal para lang makakain sa lugar.
Sabi nga, ilang minuto rin bago kinuha ang kanyang order ng isang waiter dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panay ang kaway ng kamay ng pobreng matanda sa isang Matilde, waitress ng resto para omorder ng pagkain pero iniisnab lamang siya ng bebot sa hindi malaman ang dahilan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na obserbahan tuloy ng matanda na malangaw ang lugar sa pasilio ng resto kaya sa dami ng mga na order na inihaw na pagkain dito ay hindi agad ito nadadala sa mga kumakain, tuloy ang mga langaw ang nauunang lumapang o sumawsaw sa kanilang tsibog. Hehehe!
Siguro dapat itong malaman ng may-ari para naman mabago ang sistema sa resto niya.
Abangan.