Caritas

MINSAN nang nangako si President Duterte noon na sa bawat cuss word na lalabas sa kanyang bibig lalo na kung nagtatalumpati ay magdo-donate siya sa Caritas Davao Foundation ng Catholic Church ng P1,000 sa bawat salita.

Nangako siya noong December 4, 2015 pagkatapos niyang makipagpulong kay Davao Archbishop Romulo Valles, na ngayon ay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president na. 

Kandidato pa noon sa pagka-presidente si Duterte at siya ay Davao City mayor pa rin sa mga panahong iyon. 

Naging bahagi ng kritisismo kay Duterte ang kanyang foul mouth at talagang walang humpay na P.I. at iba pang salitang kung tutuusin ay nakakasakit ng damdamin ng nino man. 

At nanalo naman si Duterte sa nasabing halalan at da-lawang taon na rin siyang naninilbihan bilang Presidente. 

Tinanong ko si Sister Rose Duhaylungsod ng Caritas Davao kung patuloy ba si Duterte sa pagdo-donate ng nasabing halaga tuwing cuss word niya. 

Ayon kay Sister Rose, nagbigay naman daw ang Presidente para sa taon 2016, at 2017. Ngayong 2018, di pa raw nagbibigay ang Presidente..

Alam ng lahat na walang humpay pa rin si Duterte sa kanyang mga  P.I. tuwing nadadala siya ng emosyon kung nag-extemporaneous speech at hindi niya binabasa ang prepared speeches.

Bago matapos ang 2018 tiyak na magdo-donate na naman si President Duterte sa Caritas Davao dahil nga hindi pa siya nagbabago sa kanyang pananalita. 

Inaamin naman ng Presidente na ganoon karumi ang kanyang bibig. Sinabi niya, eh ganun siya. 

Show comments