^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dami pa ring kurakot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dami pa ring kurakot

MARAMI pa ring hindi natatakot kay Pres. Rodrigo Duterte. Sa kabila na nagbanta ang Presidente na sisibakin agad niya ang mga mapapatunayang nangungurakot sa mga tanggapan ng pamahalaan at kahit singaw lang ng corruption, sisipain agad niya ang sangkot na opisyal o empleado. Wala na raw tanung-tanong pa. Pero tila walang epekto ang banta sapagkat marami pa rin ang kurakot. Sandamakmak pa rin ang mga nag-e-extort. Lantaran ang pangongotong. Walang kakaba-kaba kahit na madalas na magbabala ang Presidente.

Gaya ng tatlong special investigators ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naaresto dahil sa pang-eextort sa isang may-ari ng Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan. Hinihingian ng tatlong BIR investigators ang may-ari ng restaurant ng P600,000 para sa violations nito. Ayon sa report, unang humingi ng P1.2 milyon ang tatlo sa may-ari ng restaurant. Ito ay para maayos na umano ang tax liabilities ng may-ari na nagkakahalaga ng P1.2 mil­yon.

Pero sa halip na magbigay, nagsumbong umano­ ang may-ari kay Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission. Si Belgica ang kumontak sa National Bureau of Inves­tigations (NBI) para magsagawa ng entrapment ope­rations. Nahuli ang tatlong suspects na kinila­lang sina Arturo Buniol, Gary Anatacio at Edgardo Javier. Kinasuhan na ang tatlo ng graft sa Office of the Ombudsman.

Marami pa ring kurakot sa kabila na marami nang sinibak sa puwesto si Duterte. Kailangang palaganapin pa ng Presidente ang kanyang pang-amoy para ganap na masinghot ang singaw ng korap­siyon hindi lamang sa BIR kundi sa iba pang ahensiya ng pamahalaan. Kulang pa ang pang-amoy ng Presidente kaya marami pa rin ang nakakalusot at hindi natatakot.

Kapag nalipol ang mga kurakot sa mga sangay ng pamahalaan, saka pa lamang makakahinga nang maluwag ang sambayanan. Hangga’t may mga kurakot, mahirap maisagawa ang tunay na pagsisilbi at matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Tutukan pa ang mga galaw ng mga empleado at opisyal sa mga sangay ng pamahalaan para ma­tiyak na walang katiwalian.

PRESIDENT DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with