R.A. No. 11036

Pirmado na ni Boss Digong ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act.

Ang batas ay may layuning itulak ang  proteksiyon sa karapatan ng mga madlang people na may seplak  o kapansanan sa utak sa paglalaan ng pondo para sa integrated mental health services.

Gusto kasi ng gobierno  titiyakin  ang maagap, abot-kaya, de-kalidad at “culturally-appropriate” na mental health care at ang may tama sa utak ay maiwasan at magamot.

Sabi nga, kailangan available ito sa madlang people at dapat libre para matulungan ang mga pobreng alindahaw.

Ang layunin ng batas ay gumawa ng isang “comprehensive, integrated, effective, and efficient national mental health care system” na psychiatric, neurologic, at psychological needs ng madlang pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasama sa mental health services ang mga machanism for suicide intervention, prevention at response strategies  na tututok sa mga kabataan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga 24 hours open hotlines everyday na tutulong sa may mga case problem.

Hindi ba maganda at maayos ang isinabatas ni Boss Digong.

‘Ano sa palagay ninyo?’

Patong sa mini-casino sa Baguio, busisiin

Ano kaya ang nangyari sa station commander ng PNP Baguio Station at CIDG Baguio ? 

Dapat siguro silang tanggalin sa puesto dahil pinabayaan nila ang illegal mini-casino sa kanilang area of responsibilities na mag-operate kaya naman ang  CIDG - NCR pa from Crame ang sumagasa at humuli dito.

Sabi nga, 9 ang kinasuhan at mahigit sa P2 million ang salaping nakuha sa sugalan.

Ika nga, malakasan ang tayaan ng mga manunugal na dumadayo pa sa mini-casino ng isang alyas  Patrick.

Dahil naka-tiembre ito kaya walang huli sa mga alagad ng batas dyan sa region. Take note, CPNP Oscar Albayalde, Sir!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  mas mabuting ipadala mo muna sa Basilan ang mga kapulisan na nag-bubulag, bulagan sa mini- casino ni alyas Patrick para magtanda na bawal ang sugal.

‘Mismong si Boss Digong ang nagsabing ayaw niya ng sugal.’ 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsumbong pa raw sa mga opisyal sa Crame ang grupo ni alyas Patrick na ibinulsa ng mga raiding team ang P2million nahuli sa mini-casino.

‘Sinisiraan nila ang raiding team kaso walang naniwala porke ang pera ay ginamit na evidence at nasa after operation report kay CPNP at CIDG chief Ubusan.’ Sabi ng kuwagong crying like a cow.

Dapat imbestigahan ang sugalan sa Baguio para lumabas ang mga patong.

‘Huwag natin itong tantanan.’

Abangan.

Show comments