Woronora Masonic Lodge No. 414
ITATALAGA bilang incoming Worshipful Master kabilang ang mga appointed brethren ng Woronora Lodge No. 414, sa Masonic Centre, 11a Letitia Street, Oatley, Sydney, Australia, ang bagong hangal este mali halal pala na si WB Clive Mostoles, tomorrow (June 23, 2018).
Ang mga officials ng Woronora Lodge No. 414, ngayon Masonic year 2018-2019 ay sina WB Clive Mostoles, I.P.M. WB Archimedes Abella, SW Bro. Francis Malabanan, JW Bro. Rowell Pacheco, Chaplain RW Bro. Luis Reyes,(GDC), Treasurer Bro. Ray Stuart, Secretary RW Bro. Emmanuel Maniago, Dir. of Ceremonies WB Roland Martinez, SD Bro. Ken Arthurson, JD Bro. Nick Adelino, Director of Music WB Cris Mostoles, Education Officer RW Bro. Luis Reyes, Membership Officer WB Emmanuel Konitopoulos, Masonic Care Caring Officers RW Bro. Norm Sandstrom, RW Bro. Bill Casley, Inner Guard, Bro. Brandon Dizon, Stewards Bro,. Augustine Wahib, Bro. Roland Sapalo, Bro. Nino Venturina and Bro. Sherwin Santos,Tyler RW Bro. Bill Casley.
Ang guest of honor ay si MW Bro. James Robert Melville, The Grand Master of the United Grand Lodge of NSW and ACT. Samantala, si WB Archimedes Abella, ang installing Master.
Mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang imbitado at pupunta bukas.
Sabi nga, gayak na!
Illegal gambling sa mini - casino sa Baguio City
NASAPOL ng mga alagad ng batas ang multi-million operation ng illegal mini-casino sa isang lugar sa Baguio City, na kinukunsinti ng mga tiwaling kapulisan na may sakop dito.
Bakit kaya? Take note, CPNP Oscar Albayalde, Sir?
Ayon sa kuento, mahigit P2 million cash money ang nakuha ng mga raiding team from Manila, sa tatlong palapag na gusali na pinaglalagyan ng iba’t ibang klase ng illegal gambling ng isang alyas Patrick, ang naka-baon financer ng 24/7 illegal gambling operations.
Nakatakas si alyas Patrick nang dumating ang raiding team sa lugar nito..Kaya lang nahuli ang 9 na tuta at mga manunugal sa mini-casino ni Patrick at kinasuhan silang lahat ng raiding team.
Buti nga!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na ang operasyon ng mini-casino ni Patrick sa Baguio hindi ito kayang hulihin ng mga autoridad doon sa hindi malamang dahilan.
Baka naka- tiembre?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Nakopo ni Patrick ang mini-casino sa Baguio City nang magsara ang kalaban niyang mortal na si alyas Karate Kid.
Sabi nga, pinahuli niya ang puesto ni Karate Kid sa may Trinidad, Benguet, para masolo niya ang sugalan sa Baguio City.
Hindi biro ang sugalan sa Baguio malalakas ang mga mananaya ni Patrick matapos lumipat ang mga puntos ni Karate Kid sa kanya.
Maraming pera ang mga sugarol dito lalo’t nakapag-harvest ang mga ito ng mga pananim gulay at mga prutas.
Ang mga pasugal ni Patrick sa kanyang mini-casino ay montehan, color game, number game, poker at baccarat.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawa lang ang nahuli sa operasyon ang color at number games pero mahigit sa P2 million naman ang nakumpiskang salapi dito.
Abangan.
Happy Birthday, Atty. Biyong Garing
ALAM ni Biyong na sangkaterba ang bisita nito sa birthday party niya tomorrow kaya naman nakahanda ito sa dami nila kaya naman hindi basta-basta ang mga inihanda niyang tsibog at imported mamam. Hehehe!
Inaanyayahan ni Biyong ang mga gustong magpunta sa kanyang kaarawan dahil sa senior citizen na siya kaya naman gagawin ang handaan ng dakong alas-11:30am dyan sa Muntinlupa Masonic Temple, Emerald Hills, Victoria Homes, Tunasan, Muntinlupa City.
Ang hindi pumunta magsisisi sa handa ni Biyong.
Sabi nga, go!
- Latest