^

PSN Opinyon

Pagbigyan, mga tumatawid sa pedestrian lane

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMING motorista na kung magpaharurot ng kani­lang mga sasakyan ay akala mo pag-aari nila ang kal­sada. Dahil sa ganyang mga asal, madalas nagiging sanhi ng mga aksidente sa kalye at kung minalas ang biktima ay namamatay pa. Minsan ang mga gagong driver nagkakarerahan sa kalsada. Maraming ganyang insidente ngayon lalo na ang mga pampasaherong jeepney at mga bus na nag-uunahan sa pasahero. Tulad ng nangyari sa EDSA noong Martes na nagkarambola ang mga sasak­yan dahil sa dalawang bus.

Bigyan pansin natin ang mga pedestrian lane sa buong bansa lalo na rito sa Metro Manila na walang hum­pay ang mga tumatawid. Igalang ito sapagkat ito’y ginawa upang maging ligtas ang ating mga kababayan. Hindi sila tumatawid kung saan-saan na karamihan at takaw aksidente. At least kapag may pedestrian lane alam natin na tayo ay ligtas habang tumatawid lalo na kung may pasok ang mga bata sa school. Napaka-importante nito.

Gayahin natin ang US, ang mga motorista ay kusang tumitigil kapag napadaan sila sa mga pedestrian lane. Masyado silang istrikto pagdating sa batas sa kalye dahil masyado silang mahigpit. Hindi kagaya rito sa atin puwedeng lagyan ng pera ang mga nagpapatupad ng batas trapiko. Konting lagay lang absuwelto na ang mga motoristang pasaway.

Nakakalungkot lang sapagkat ang mga balasubas na driver ang magaling pang magpalusot kapag nasangkot sa aksidente. Madali lang para sa kanilang sabihing na­walan sila ng preno pero nakasira na sila ng buhay ng tao.

Matauhan naman na sana ang mga motorista. Pag may nakita naman sanang mga pedestrian lane ay ma­tutong huminto at maghintay kung kailan maluwag na saka paharurutin ang inyong mga sasakyan upang ma­iwasan ang aksidente. Huwag balewalain dahil ito sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

DRIVER

MOTORISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with