^

PSN Opinyon

Hindi bagong ordinansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, hindi bago ang ordinansa kung saan ipinagbabawal ang “istambay” o ang pananatili sa labas ng bahay nang wala namang pakay o layunin. Ngayon lang ipinatutupad nang husto. Ayon kay Presidente Duterte, ang mga “istam­bay” ang dahilan nang maraming krimen kaya dapat ipinagbabawal ang mga ito. At ganun na nga ang nagiging laman ng balita ngayon.

Marami na ang dinadala sa mga iba’t ibang presinto sa Metro Manila, dahil lamang sa nakatayo sa labas ng bahay at walang ginagawa. May mga hinuling umi­i­nom sa labas ng bahay, na bawal ngang gawin. Ayon kay Sen. JV Ejercito, dapat “case-to-case basis” ang pag­huli sa mga “istambay”, dahil hindi naman lahat ay mga kriminal. Ang dapat hulihin ay mga nanggugulo o may masasamang bisyo. Pero kung nag-uusap lang sa labas ng kanilang tahanan, hindi naman dapat batayan iyan para madala na sa presinto. Ganito naman kaya ang nangyayari?

Pinauuwi naman daw ang mga nahuhuling “istambay” kung wala namang kriminal na rekord, pero pinagsasabihan na huwag na lang ulitin. Sino naman ang gustong madala sa presinto nang walang kasalanan? Kung nakatayo lang kayo sa labas ng tahanan at nag-uusap, puwede nang malapitan ng mga pulis, at kung sa tingin nila ay umaalma sa kanila ay maaari nang maaresto? Sa kabila ng pahayag ni Albayalde na walang magaganap na pang-aabuso ng karapatang pantao mula sa PNP sa pinaigting na kampanya laban sa mga “istambay”, hindi mawala ang panganib na magkakaroon ng insidente kung saan ganito nga ang magaganap. Sana nga wala. Sa ngayon, marami na ang dinadala sa presinto. Mukhang ang “case-to-case basis” na nais sana ni Ejercito ay hindi nasusunod.

Hindi rin mawala sa isip na mga mahihirap na naman ang target nitong kampanya, tulad ng tokhang. Sino nga ba ang mahilig tumayo sa labas ng kanilang tahanan kundi mga mahihirap? Wala naman silang ibang libangan kundi ang mag-kuwentuhan sa labas. Kung iyan lang naman ang ginagawa, hindi naman dapat batayan para madala na sa presinto. Kung manggulo o ilagay sa panganib ang ibang tao, ibang usapan na ‘yan.    

ISTAMBAY

OSCAR ALBAYALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with