PARA sa mga trapo, mga epal at mga trying hard, eto na ‘yung tamang panahon to rise and shine. Ilabas na ang inyong mga tinatagong “talento” para mai-rehistro sa isipan ng taumbayan para sa susunod na halalan. ‘Yung mga paiyak-iyak diyan dahil dikit daw kasi ang kanilang bituka sa kahirapan ng mga pobreng magsasaka. Ano ba talaga ate ang gusto n’yong irehistro? Kontra katiwalian? Hindi pa nga umiinit ang inyong upuan sa bagong puwesto, sige ang kiyaw-kiyaw to the max. Mga netizens sa social media, banat din sa inyo to the max dahil wala pa nga raw kayong napatunayan, iyak-iyak agad sa camera.
Iba naman, kiyaw-kiyaw nang kiyaw-kiyaw, naghahanap ng mga mali. Maliliit na bagay na hindi naman kumpirmado at wala pang ebidensiyang mapakita. Kung anu-ano na ang sinabi sa media, all for the sake of their senatorial ambition or just wanted to get an attention. Marami sila! Kilala n’yo sila. Nakatawag sila ng pansin sa media, sinakyan ang kanilang mga chorva-chorva.
Kahit na nga sa hanay ng administrasyon, kanya-kanya na silang posisyon – naghihilahan pababa ang mga utak talangka. Ayaw nilang malamangan at ayaw nilang maunahan ng kanilang mga kasamahan. Batu-bato sa langit walang pikunan! Public service lang. Ang tatamaan, pasensiya na lang. Kung palagay mo, ikaw o kayo ang target ng kolum kong ito, eh di kayo na nga!
Kung kayo’y nag-aasam-asam maging senador o congressman o nagpapa-“epal” lang sa inyong bagong puwesto, hindi ito nakukuha sa ngawa, kundi gawa! Masusukat din ang inyong kaalaman sa inyong pinanggalingan. Makikita sa inyong pagkatao hindi sa inyong reputasyon kundi sa totoong karakter – mga pamilyang konyo kayo eh di ba? Mga performer daw sila, as in perform ng perform pero hindi naman mga achiever. Kaya, cotton candy ang dating, matamis at malaking tingnan, hangin naman ang laman, walang sustansiya ang pinagsasabi, drama lang.
Kaya ang mga tagasubaybay ng kolum na ito at sa aking mga programa sa telebisyon, unti-unti natin silang huhubaran. ‘Yung mga ipokrito riyan, ginagamit ang kahirapan ng mga magsasaka, listo na kayo, wala kaming sasantuhin ke nasa hanay pa kayo ng administrasyon o oposisyon. Ang kolum kong ito ay gagamit ng presumption of innocence until proven guilty in the court of law. Hindi ‘yung hinuhusgahan ka sa pamamagitan ng court of public opinion.
Tiwala ang kolum na ‘to sa mga tanggapang ito: Commission on Audit (COA) partikular sa mga isyu ng conflict of interest at iba pang mga pamantayan kung may iregularidad; ang Ombudsman kung may katiwalian at; ang hukuman, ang siyang dapat humusga sa anumang pagkakasala o krimen na nagawa ninuman. Kaya kayong mga A-S-S na may mga butas (HOLE sa Ingles), mag-ingat kayo sa inyong mga pinagsasabi. Ibig sabihin ng A-S-S, angkas, sakay, sawsaw.
Let the game begins!