^

PSN Opinyon

Nalinlang dahil tanga at ganid

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA LAHAT ng investment scams, naghalong katangahan at pagka-ganid ang dahilan kaya nalinlang ang mga biktima. Noong 2008-2012, 6,000 middle-class Filipinos ang nagantso ni Malaysian Manuel Amalilio. Karamihan mga kapwa-niya Muslim, nagpadala sila sa matamis niyang pa­ngako nang limpak-limpak na tubo sa tig-ilang libong pisong kapital nila. At ngayon naman ay hinuli ng pulis ang batang mag-asawang Ordonio, edad-26, sa parehong raket na tinatawag na “pyramiding”. Bitcoin crypto-currency ang ginamit na panlanse sa 50 investors nang tig-milyon-milyong piso. Naniwala sila sa pangako na kikita sila nang 30% kada 15 araw, hindi lang sa ipinasok nilang pera kundi pati sa mga kamaganak at kaibigan. Iyak ng isang pamilya na P33 mil­yon ang natangay mula sa kanila. Hindi nila inisip na kung meron talagang gan’un kagandang investment, e bakit sila lang ang na-recruit at hindi ang mga kilalang mayayaman tulad ng mga Ayala, Aboitiz, Sy, at Ty.

Ganito ang modus operandi sa pyramiding scam:

Hihikayatin ang limang unang investors na magpasok nang, halimbawa, tig-P1 milyon. Babayaran sila nang 30% kada 15 araw, sa kondisyong maghikayat sila nang tig-lima pang investors na may tig-P1 milyon din. Babayaran ang pa­ngalawang recruits nang mas mababa pero kaakit-akit pa rin, halimbawa 20% kada dalawang buwan. May kondisyon din na mag-recruit sila nang tig-lima pang muling investors nang tig-P1 milyon. Matapos ang ilang buwan, tatalilis na ang scammer. Lahat ng nasa ilalim ng pyramid ay walang matitikman ni isang kusing na tubo sa tig-P1 milyon nila. Sinasabing P900 milyon ang natangay ng mag-asawang Ordonio.

Dalawang bagay ang dapat isipin ng investors. Ang anomang legal na tubo sa investments ay hindi maglalayo sa interes sa bangko: ngayo’y 0.5% sa savings at 1% sa time deposits. At dapat lisensiyado ang investment offer sa Securities and Exchange Commission.

INVESTMENT SCAMS

MANUEL AMALILIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with