^

PSN Opinyon

May tinitingnan, may tinititigan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BINABATIKOS si SolGen Calida dahil umano sa pagkopo sa ilang juicy contracts ng security firm na pag-aari ng kanyang misis sa ilang tanggapan ng pamahalaan. Conflict of interest.

Dinepensahan siya ng Malacañang. Ang mga kontratang nakuha ay magmula nang maupo si Calida sa puwesto no­ong 2016. Kung si Calida kaya ay kalaban sa politika ng Pa­­ngulo, idedepensa kaya siya o antimanong kakasuhan mismo ng Palasyo sa Ombudsman? Mukhang totoo ang kasabihang iba ang tinitingnan sa tinititigan.

Ani Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman­ illegal na magkaroon ng share si SolGen Calida sa Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI). Nagbitiw na raw si Calida sa naturang kompanya at hinahawakan na lang niya ang ilang stock certificates. Ang pagkaalam ko ay ka­ilangang mag-divest nang ganap ang isang opisyal ng pamahalaan sa ano mang pribadong kom­panya. Pero kasosyo­ pa eh dahil may stocks. Isa pa, mahirap sa­bihing­ asawa lang ni Calida ang may-ari dahil ito ay conjugal owner­ship. Unfair competition pa rin sa ibang security agency dahil impluwensya pa rin ni Calida ang dahilan kung bakit nakopo ang maraming kontrata sa gobyerno.

Tila “bomalabs” ang katuwiran ni Roque na: “He resigned all his corporate posts before he became SolGen and I don’t think mere ownership of stock certificates is prohibited by the Constitution.”

Tinukoy din ni Roque ang probisyon ng Konstitusyon na: “You have to be part of management to be guilty of violating Section 13 [of Article VII of the Constitution] and this is also mirrored in RA (Republic Act) 6713.”

Ewan ko. Ang alam ko, kung hindi SolGen si Calida, hindi niya makukuha ang mga nabanggit na kontrata. Yan ang ma­linaw na conflict of interest. Kahit hindi siya ang nag-aaproba ng kontrata, sa tunog pa lang ng pangalan niya ay tiyak na aaprobahan ito ng mga kaukulang tanggapan.

Kasama sa nakuhang kontrata ng VISAI ay sa National Parks Development Committee (NPDC), ang National Anti-Poverty Commission (NAPC), Philippine Amusement and Gaming Corporation, at National Economic and Development Authority (NEDA) mula 2016 hanggang 2018.

SOLGEN CALIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with