^

PSN Opinyon

Mga bawal kainin bago matulog

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAHALAGA ang tulog sa ating katawan para tayo ay lumakas at maging malusog. Kaya dapat tayong mag-ingat sa ating kinakain bago matulog.

Heto ang mga pagkaing dapat iwasan sa gabi:

1. Iwasan: Karneng baboy, baka at taba.

Kapag marami kang karne at taba na kinain, mahihirapan itong tunawin ng iyong tiyan. Maglalabas nang maraming asido ang tiyan para piliting tunawin ito. Puwedeng kumain ng karne pero kaunti lang.

2. Iwasan: Sobrang busog.

May kasabihan na, “Eat breakfast like a king, lunch like a prince, and dinner like a poor person.” Ang ibig sabihin ay magbawas ng kakainin sa hapunan. Kaunti lang ang kainin para hindi mahirapan ang katawan.

3. Iwasan: Pagkaing spicy at maanghang tulad ng sili, paminta, hot sauce at curry.

Kapag kumain ka ng spicy foods sa gabi, baka humapdi ang iyong sikmura. May pag-aaral sa Australia na nagpapakita na ang mga taong mahilig sa hot sauce at mustard ay mas hindi makatulog sa gabi.

4, Iwasan: Pag-inom ng alak.

May maling paniniwala na ang alak ay makatutulong sa pagtulog. Oo, makakatulog ka sa umpisa, pero pagi­sing-gising ka naman sa gabi. Magkakaroon ka pa ng “hang-over” at sakit ng ulo sa umaga. Ang alak ay nagpa­patanda rin ng mukha at balat dahil nakaka-dehydrate ito. Kahit edad 30 lang ang alcoholic, puwede siya maging mukhang 50 na.

5. Iwasan: Kape at energy drinks.

Ang mga inuming may caffeine ay nagpapagising sa atin. Kapag mahilig kang uminom ng kape, baka hindi ka makatulog sa gabi. Mas matindi pa ang epekto ng energy drinks dahil 4 na beses ang dami ng caffeine nito kumpara sa kape. Ang 1 lata ng energy drink ay may 80 milligrams ng caffeine.

6. Iwasan: Soft drinks.

Bukod sa caffeine, ang soft drinks ay mataas sa asukal na puwedeng magdulot ng pagkabalisa. Para makatulog ng mahimbing, iwasan ang mga nabanggit na pagkain. Good luck po.

DR. WILLIE T. ONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with