^

PSN Opinyon

Tinangay ng sindikato

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

HINDI nagkasundo sina Bembol, Abdul at Jona sa ibaba­yad sa apat na babae. Kaya dinala naman ang apat sa isang salon kung saan pumayag ang may-ari na magtrabaho sila. Pero hindi nilinaw ang totoong uri ng kanilang trabaho. Nang mag-umpisa na silang magtrabaho, saka pa lang nila nalaman na magiging sex worker o prosti sila kapalit ng halagang nagastos sa pagdadala sa kanila mula Pilipinas papuntang Malaysia. Ang bawat isang babae na magugustuhan ng kustomer ay maika­kama ng buong gabi sa katabing hotel kapalit ng 300 ringgit. Sa maraming beses din ay pinupuwersa ni Salim si Betty na makipagtalik sa kanya sa hotel na kanilang tinitirhan.

Sa loob ng tatlong linggo ay nagtrabaho bilang prostitute ang apat na babae hanggang sa makahingi ng saklolo si Betty sa isang pulis na kanyang naging customer. Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng raid sa salon at hinuli ng Malaysian Immigration Officers pati ang mga babaing binugaw kasama sina Annie at Betty bago tulu­yang pina-deport sa Pilipinas.

Pagdating sa Pilipinas, kinasuhan sina Bella, Salim, Abdul, Taras at Jona ng paglabag sa Sec. 6 in relation to Sec. 7 [b] RA 8042 dahil sa kanilang kutsabahan at pagtulung-tulong sa isa’t isa na gumawa ng iligal na pa­ngalap ng mga empleyado kahit walang lisensiya mula sa POEA. Sina Bella at Salim lang ang naaresto.

Sa paglilitis, maliwanag at detalyadong nagsalaysay sina Connie at Betty ng mga nangyari sa kanila. Inamin naman nina Bella at Salim na wala silang lisensiyang kumuha ng trabahador para magtrabaho sa ibang bansa. Hinatulan ng Korte sina Bella at Salim ng habambuhay na pagkakulong at multa na isang milyon bawat isa bukod pa sa P50,000 moral damages at P300,000 exemplary damages. Nang umapela sa CA ay pareho pa rin ang naging hatol bagaman binabaan sa P25,000 ang danyos.

Si Bella lang ang umapela sa desisyon. Hindi raw napatunayan ng prosekusyon na higit sa dalawang tao ang sangkot sa kaso dahil dalawa lang sila ni Salim at nagkusa na napatunayang may sala. Hindi raw napatu­nayan ng prosekusyon na walang lisensiya o awtorisas­yon sina Abdul, Taras at Jona para maging recruiter. Tama ba si Bella?

Mali si Bella. Kahit pa sila lang ni Salim ang nahatulan­ at nakulong sa kaso dahil nakawala ang kanilang mga kasama, hindi naman makakarating sa Malaysia ang mga biktima kung hindi sa pagtutulungan ng limang akusado. Napatunayan ng prosekusyon na sina Abdul at Jona ang nagsilbing bantay o “escort” ng mga dalaga papunta sa Malaysia. Samantalang si Taras naman ang gumastos sa pamasahe ng mga biktima patungo sa Malaysia. Kaya malinaw na hindi lang sina Bella at Salim ang nagsabwatan para madala sa Malaysia ang mga biktima kundi pati sina Abdul, Taras at Jona na nakipagtago lang. Ang pagtakas ay indikasyon ng kasalanan kaya malinaw na nagkasala rin sina Abdul, Jona at Taras. Malinaw na iligal na pangangalap ng sindikato sa mga trabahador ang nagawa nila na may parusang habambuhay na pagkabilanggo. Kinatigan ng SC ang hatol ng RTC at CA pero ginawad na P500,000 ang moral damages at P100,000 sa exemplary damages (People vs. Pansacala and Hashim et. al., G.R. 194255, June 13, 2012).        

ABDUL

BEMBOL

JONA

SEX WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with