^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Basura sa mga estero umaapaw na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Basura sa mga estero  umaapaw na

SA susunod na buwan, tag-ulan na. At kapag nagtag-ulan, ang unang maiisip ay baha. Tiyak na babaha dahil ang waterways sa Metro Manila ay sandamakmak ang basura.

Lahat ng mga ilog at estero sa MM ay mara-ming basurang nakalutang. Namumulaklak ang mga basurang plastic at tila wala nang solusyon kung paano madidisiplina ang mamamayan sa pagtatapon. Wala namang magawa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kung paano kakastiguhin ang mga barangay officials na hindi makontrol ang kanilang residente sa pagtatapon ng basura sa mga estero at kanal. 

Halimbawa na lamang ay ang ilog sa Mandalu­yong, partikular na ang ilalim ng Sevilla Bridge na kasalukuyang inaayos. Napakaraming nakalutang na basura sa ilog na lahat nang dumaraan ay nandidiri. Pawang plastic na shopping bags, sirang upuang plastic, mga plastic bottles ng softdrink, cup ng noodles, sachet ng shampoo at 3-in-1 coffee.

Ganito rin ang tanawin sa mga estero sa Binondo. Kamakailan, nakunan ang isang estero roon na umaapaw sa basura. Ipinost sa Facebook ang esterong umaapaw ang basura at nag-viral. Ipinalinis ang estero pero makaraan ang isang linggo, balik sa dating itsura. Namumutiktik na naman sa basura.

Hindi lamang sa mga estero maraming basura kundi pati sa mga baybaying dagat gaya ng Manila Bay. Namumulaklak sa sari-saring plastic na bagay na itinapon ng mga iresponsableng mamamayan mula sa mga probinsiyang malapit sa Metro Manila. Ibinabalik ng alon ang mga basura at tinatambak sa Roxas Boulevard.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansang may pinakamalaking sources ng plastic pollution sa mundo. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia.

Kamakailan, nagbabala si DENR Secretary Roy Cimatu sa mga nagbubulag-bulagan at gumagawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. Ang pag-abuso sa kalikasan ay tutuldukan na sapagkat mahigpit nang ipatutupad ang environmental laws at ordinances.

Sana totoo na ito at hindi ningas-kugon ang pagbabanta. Dapat maparusahan ang mga sumisira sa Inang Kalikasan. Kung hindi magkakaroon ng tapang sa mga nagtatapon ng basura, masisira ang mundong tirahan. Makiisa sa panawagan na ipagbawal ang paggamit ng plastic.

BAHA

TAG-ULAN

WATERWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with