^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tapos na ang kuwento

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tapos na  ang kuwento

PINATALSIK ng mga kasamahang mahistrado si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahapon. Pinaboran ng siyam na associate justices ang quo warranto petition ni Solicitor Ge­neral Jose Calida. Lima namang justices ang kumontra sa petisyon. Sa isang hiwalay na botohan, walo ang bumoto para tuluyang patalsikin si Sereno at anim ang kumontra.

Ang mga bumoto para mapatalsik si Sereno ay sina Justices Tijam, De Castro, Peralta, Bersamin, Jardeleza, Martires, Reyes at Gesmundo samantalang ang mga kontra ay sina Justices Carpio, Ve­lasco, Del Castillo, Leonen, Bernabe at Caguioa.

Sa pagkakapatalsik kay Sereno, ang pagkaka-appoint niya bilang ika-24 na Chief Justice ng Korte Suprema noong 2012 ay pinawawalambisa. Inaatasan siyang ibakante ang posisyon. Pero sabi ng mga abogado ni Sereno, hindi pa tapos ang laban. Sabi naman ni Sereno, ilang minuto makaraang lumabas ang desisyon ng mga mahistrado, siya pa rin ang panalo. Hinikayat niya ang mga supporters na huwag matakot ipaglaban ang demokrasya. Hindi­ pa tapos ang kanyang pakikipaglaban.

Iba’t iba ang opinyon sa pagkakapatalsik kay Sereno. Masyado raw mabilis ang desisyon na parang may isang kamay na nagpapagalaw at nagpapaikot. Dapat daw hindi sa ganoong botohan dinaan ang pagpapatalsik sapagkat maaaring pagkaisahan ang Chief Justice. Dapat daw idinaan sa impeachment process gaya nang ginawa kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sa pagkakapatalsik kay Sereno, masasabing tapos na ang kuwento. Mismong mga kasamahan ang nagpaalis sa kanya. Masasabing patas naman ang botohan ng mga mahistrado. Kung tutuusin, ma­buti na ngang natapos na ang isyung ito at hindi na umabot pa sa impeachment ng mga mambabatas. Pagpipistahan lamang ng mga mambabatas ang Chief Justice gaya ng ginawa kay Corona. Mabuti ngang ang humatol kay Sereno ay mga kapwa mahistrado na hindi na dumaan pa sa mga mapanira at pangungutya.

Tapos na ang kuwento kaya dapat magsimula ang Korte Suprema sa bagong kabanata. Harapin na ang mga trabaho sapagkat ang mamamayan ang natatalo.

vuukle comment

JOSE CALIDA

MARIA LOURDES SERENO

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with