^

PSN Opinyon

Alin ang mas masustansiya?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

(Part 4)

SA ating halimbawa ng mas masustansiyang pagkain, alam mo ba ang mas healthy sa dalawang ito? Bilhin at kaining madalas ang mas masustansiyang pagkain.

l Cream soup o clear soup.

Ang cream soup ay sopas na malapot at may halong gatas. Dahil dito, mas nakatataba ito at mas mataas sa calories. Sa mga nagdidiyeta, piliin ang clear soup o yung mas malabnaw na sopas.

Winner: Clear soup.

l Kanin o spaghetti.

Ang kanin at spaghetti ay parehong nagbibigay ng energy­ sa ating katawan. Ngunit ang isa rito ay mas mabilis magpataas ng asukal sa dugo. Ayon sa mga eksperto sa nu­trisyon, ang kaning puti ay tinatawag na may “high glycemic index,” o mabilis magpataas ng blood sugar pagkakain. Sa kabilang banda, ang spaghetti ay may “low to medium glycemic index,” o mas dahan-dahan ang paglabas ng sugar sa ating katawan. Payo ko lang huwag i-overcook ang spaghetti. Kailangan ay matigas-tigas pa ito. Kapag na-overcook ang spaghetti, masama rin ang epekto nito sa blood sugar.

Winner: Spaghetti.

l Prito o sinigang na bangus.

Kahit anong bagay na prito ay mas gusto nating iwasan. Kaya kahit pritong isda ay may mantika pa rin. Mas masustansya ang mga pagkaing inihaw at steamed. Dahil dito, mas healthy ang sinigang na bangus lalo kung maraming gulay.

Winner: Sinigang na bangus.

l Pork chops o pork tenderloin.

Sa katunayan, mahirap pagpilian ang 2 klase ng baboy. Pagdating sa baboy at baka, piliin natin ang mga hiwa na mas mababa sa taba. Ang pork tenderloin at sirloin ay mas mababa sa taba kumpara sa pork chop at pork belly. Tanggalan din ng taba ang karne bago ito lutuin.

Winner: Pork tenderloin.

l Dilaw o pulang pakwan.

Ayon sa U.S. Department of Agriculture, ang pagkain ng pulang pakwan ay nagpapataas ng lebel ng arginine at nitrous oxide sa ating katawan. Ang mga kemikal na ito ay nagpapa-relax ng ating ugat at nagpapaganda ng daloy ng dugo. May lycopene rin ang pulang pakwan. Dahil dito, makatutulong ang pulang pakwan sa ating puso. Ang dilaw na pakwan naman ay may lutein, isang kemikal na mabuti sa ating paningin.

Winner: Parehong winner. Pulang pakwan para sa puso at dilaw na pakwan para sa mata.

MASUSTANSIYA

PAGKAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with