^

PSN Opinyon

Philippines my Philippines Coast Guard Hospital, malapit na!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA wakas naisip din ng mga bright sa gobierno na bigyan o patayuan ng sariling ospital ang Philippines my Philippines Coast Guard.

Sabi nga, thank you, Lord!

Inaprubahan daw kasi ng House committee on transportation, ang House Bill 6090, na naglalayong sa pagtatatag at pagbuo ng Philippines my Philippines Coast Guard General Hospital o PCGGH upang bigyan karangalan at mahusay na health care delivery system ang PCG personnel at ang kanilang mga dependents.

Ang ipinanukalang “Philippine Coast Guard General Hospital Act,” ini-akda ni Malabon City Rep. Federico Sandoval II, na naglalayong matiyak ang availability, accessibility at abot-kayang mga serbisyo ng kalidad ng pangangalaga ng kalusugan sa lahat ng PCG personnel at ang kanilang mga pamilya sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng bill ay naglalayong magbigay ng package of health care program sa PCG personnel at ang kanilang mga dependents kasama ang preventive, promotive, diagnostic, curative at rehabilitative program.

‘Ang galing!’ banat ng kuwagong retiradong marino.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mandato rin na magsagawa ng medical examination sa lahat ng mga trainees ng PCG upang matiyak ang kanilang pisikal at mental na kakayahan, pagsubaybay ng kalagayan ng pasyente, at henerasyon ng mga kaugnay na impormasyon at date in aid ng policy information.

‘Dapat lang!’ ayon sa kuwagong pobreng alindahaw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang iminungkahing PCGGH ay dapat itayo sa Coast Guard Base Taguig sa Lower Bicutan, Taguig City.

Dapat ang PCGGH, ay pangangasiwaan nang board of directors na binubuo ng mga Secretary ng DOH at ng DoTr bilang tagapangulo ex-officio chairperson at vice chairperson, ayon sa pagkakabanggit, at ang komander at Deputy ng PCG, at Command Surgeon ng PCG Medical Services, bilang mga members.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang lupon ay dapat magbalangkas at magpatupad ng mga programa upang makamit ang mga layunin ng PCGGH, dapat ding bumuo ng isang programa ng pasyente sa pag-aalaga at pangangasiwa ng ospital na kasama ang pagtatatag, pamamahala, operasyon at maintenance ng hospital organization.

Sabi nga, P400 million ang dapat ilaan para sa pagtatatag at paunang mga operasyon ng PCGGH at ang future operation nito ay isasama sa taunang General Appropriations Act.

‘Umpisahan na!’

Abangan.

vuukle comment

HOUSE BILL 6090

PHILIPPINES COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with