^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ipahayag ang katotohanan suriin nasa kapangyarihan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Ipahayag ang katotohanan  suriin nasa kapangyarihan

SA unang 22 buwan ni President Duterte sa puwesto, 85 iba’t ibang kaso ng pag-atake at pagbanta sa mga karapatan ng mga Pilipino na, ayon sa Konstitusyon ay dapat na igalang.  Ang 85 kaso ay mas malaki sa bilang na naitala sa ilalim ng apat na Presidente na sinundan ni Duterte. Ang mga kasong ito ay nagbabadya ng panganib sa mga taga-media.

Mula Hunyo 30, 2016 hanggang Mayo 1, 2018, kabilang sa mga kasong ito ang pagpatay sa 9 na mamamahayag, 16 na kasong libel, 14 na kaso ng online harassment, 11 death threats, 6 na kaso ng tangkang pagpatay, 6 na kaso ng harassment, 5 kaso ng intimidation, 4 na kaso ng website attack, 4 na kaso ng physical assault, pagsasawalambisa ng re­gistration o pag-ipit ng prankisa, panlalait, strafing at surveillance ng mga pulis sa mga reporter at tanggapan ng media.

Hindi epektibo ang aksyon ng mga ahensiyang gobyerno para lutasin ang mga kasong ito, sa gitna nang mapanakot na pakikitungo ng administrasyon sa media. Ang Presidente mismo at kanyang Gabinete, pati na ang House of Representatives ay nagtakda at nagpanukala na ng kakaibang paghihigpit sa access ng media sa news events. Ang Kongreso at ibang ahensiya ng gobyerno, pinawalambisa o ina­antala ang registration at renewal ng prankisa na ka­ilangan sa operasyon ng ilang kompanya sa media.

Sa mga pagbabantang ito, hindi lang ang media ang minamaliit at pineperwisyo. Nalalagay din sa peligro ang kakayanan ng mga mamamaha­yag na bigyan ng sapat at malayang impormasyon ang mga mamamayan ukol sa mga isyu at usaping apek­tado ang lahat.  

Nangako ng pagbabago si Duterte kaya marapat lang na ipaalam niya sa taumbayan kung ano at saan may pagbabagong nagaganap, at kung ito ay nagdulot ng mabuti o masama. Magbahagi ng tamang impormasyon sa mga mamamayan at botante ukol sa mga iniluklok nila sa poder, iyan ang tungkulin ng media sa isang demokrasya.

Magkaisa para sa press freedom at demokrasya­, ipahayag ang katotohanan at suriin ang nasa kapangyarihan -- ito ang serbisyong inaasahan ng mamamayan sa media.

At sinuman ang Presidente, tungkulin ng nagkakaisang media na itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino na makaalam nang tama at sapat na impormasyon ukol sa mga usaping bayan.

KONSTITUSYON

PRESIDENT DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with