^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Marami nang umaaray sa mataas na bilihin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Marami nang umaaray sa mataas na bilihin

SIYAM sa 10 Pinoy ang apektado sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa loob ng nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Pulse Asia Survey. Ayon sa survey 86 percent ng mga Pilipino ay masyado nang apektado nang pagtaas ng mga bilihin na nagsimula pa noong Enero. Unang-una na sa listahan ng mga pangunahing bilihin na tumaas ang presyo ay ang bigas. Tumaas din ang presyo ng mga de-latang pagkain at inuming matatamis. Inaangal din ang pagtaas ng singil sa kuryente, liquefied petroleum gas, gamot at pati na ang cell phone load.

Itinuturo ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa pag-iimplement ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong Enero. Kahit pa raw sa ilalim ng TRAIN Law ay may na-exempt sa tax gaya ng mga kumikita ng P250,000 hindi pa rin ito sapat at ramdam din ang pagtaas ng mga bilihin.

Ngayong Araw ng Paggawa, tiyak na maraming sisigaw na itaas ang suweldo ng mga manggagawa. Wala nang mabibili ang karampot na kita. Kahit pa nga may mga na-exempt sa ipinapataw na tax, hindi rin makasapat ang tinatanggap na suweldo ng mga manggagawa. Kulang na kulang pa rin at hindi kayang buhayin ang pamilya. Isang kahig, isang tuka pa rin ang mga manggagawa.

Pinakamataas daw ang ekonomiya ng bansa sa Asia. Talo pa raw ang China at iba pang kapitbahay na bansa. Magandang pakinggan ang balitang iyan pero hindi kayang punuin ang sikmura nang maraming mahihirap. Masarap pakinggan na maunlad at mabilis daw ang pag-unlad ng kabuhayan sa bansang ito, pero mas maganda kung mabubusog muna ang mga tao at hindi pawang drowing lamang.

Mataas ang bilihin sa kasalukuyan at maaari pang tumaas sa mga susunod na buwan dahil sa pagtaas ng gasolina. Lalong aaray ang mamamayan kapag humirit ng taas sa pamasahe ang pampublikong sasakyan. Nakaamba rin umano ang pagtaas ng singil sa tubig at kuryente.

Dapat itaas ang suweldo para makaabot sa ma­taas na presyo ng bilihin. Kawawa naman ang ma­mamayan na pilit pinagkakasya ang karampot na suweldo. Walang makalulutas sa problema ng mataas na presyo kundi ang gobyerno mismo.

PULSE ASIA SURVEY

TRAIN LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with