SI Cong. Karlo Nograles na hinihimok tumakbo sa pagka-senador ang pangunahing moving spirit sa pagdaragdag ng budget para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4-Ps). Magandang hakbang para dumami ang mga kababayan nating mahihirap na matutulungan ng programa. Mahigit 4 na milyong mahihirap na Pilipino na kasama sa 4-Ps ang lalu pang matutulungan sa inaprobang dagdag ng House appropriations committee kamakailan.
Si Nograles ang chairman ng komite. Ang mga mararalita ay makatatanggap ng dagdag na P2,200 kada buwan o P26,000 kada taon para sa edukasyon at kalusugan ng mga bata hanggang 18 taong gulang. Tatlong bata bawa’t pamilya ang maisasama sa programa.
Ani Nograles, ang dagdag na tulong ay P11,400 higit sa natatangap ngayon. Ang mga kondisyong dapat sundin para makatanggap ng assistance ay: Mga batang limang taon pababa ay kailangang magpabakuna at magkaroon ng medical check ups.
l Mga bata mula 1 hanggang 18 ay kailangang magpa-“deworm’ dalawang beses sa isang taon.
l Mga bata mula 3 hanggang apat ay kailangang umattend sa day care o pre school classes.
l Ang mga buntis ay kailangang magpa-pre and post natal care.
l Ang magulang ay kailangang dumalo ng family development and natural family sessions na isinasagawa ng DSWD isang beses sa isang buwan 4-Ps pinatindi pa ni Kong. Nograles Isang miyembro ng pamilya ang kailangang umatend ng training ukol sa entrepreneurship o livelihood na isinasagawa ng isang NGO o ahensiya ng gobyerno.
Para kay Nograles, pinupuntirya na sa kalaunan ay makatayo sa sariling paa ang mga mahihirap nating kababayan. Tama naman. Sa ilalim ng 4Ps, ang mahirap na pamilya ay makakatanggap ng tulong na tatagal ng limang taon.
“Hindi ito isang imposibleng pangarap na umangat sa buhay ang bawa’t isa sa ating mga kababayan sa tulong ng pamahalaan at ng bawa’t nagmamalasakit na Pilipino,” ang mariing sinabi ni Nograles.