^

PSN Opinyon

Kalaboso ang pulis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ANG kasong ito ay tungkol sa paglabag sa RA 4200 o ang tinatawag natin na “Anti-Wire Tapping Act”. Ipinagbabawal ng batas na ito ang sikreto o palihim na pakikinig, pakikialam o pagtatala ng anumang pribadong usapan gamit ang isang kable, aparato o wire tulad ng dictaphone, dictagraph, detectaphone, walkie-talkie o tape recorder. 

Nangyari ang kaso sa isang gay bar sa siyudad ng Luzon kung saan dalawang reporter na sina Bernard at Jethro, kasama ang isang kamag-anak ni Bernard ay nakatambay sa nasabing bar para mapatunayan ang tsismis na may mga hubad na gay dancers na nagsasayaw doon. Pagkatapos makaupo ng tatlo at makapag-order ng beer ay umakyat sa stage ang isang dancer na kapiraso na lang ang suot. Nag-umpisang sumayaw ang dancer habang naghuhubad. Nilabas ni Jethro ang kanyang camera at kinuhanan ng litrato ang palabas kaya nilapitan siya ng floor manager na si Paul kasama ang guwardiya ng bar na si Waldo at tinanong kung bakit kailangang kumuha siya ng litrato. Ang sagot ni Jethro ay trabaho niya ito. Itinulak siya ni Waldo sa mesa at tinakot na papatayin. Nang makita ni Jethro na bubunot ng baril si Waldo ay tumakbo na ito palabas ng bar, kasunod niyang lumabas ang dalawang kasama.

Nagpunta sa istasyon ng pulis ang tatlo para isumbong ang nangyari. Inabutan nila ang tatlong pulis na umiinom ng beer kasama na si SPO2 Roman Manalili. Niyaya pa sila ng mga pulis na uminom pero tumanggi sila at agad na dumulog kay Sgt. Villaluz para ireport ang insidente sa bar.

Maya-maya pa ay dumating sina Paul at Waldo sakay ng isang motorsiklo. Nilapitan nila si PO2 Manalili at tahimik na nag-usap ang tatlo sa isang sulok sa loob ng kinse minutos. Hindi nagtagal ay nilapitan ni PO2 Manalili si Jethro at itinulak sa dingding. Kinasa rin niya ang baril at itinutok sa mukha ni Jethro sabay mura sa pobreng reporter.

Dito na nagtangkang makialam si Bernard. Pumagitna siya sa dalawa at ipinaliwanag na naroon lang sila para magpablotter tungkol sa insidente sa bar. Hindi siya pinansin ni Manalili at inutusan pa si Villaluz na gumawa ng rekord tungkol sa panggugulo ni Jethro at Bernard sa bar. Dito na nagalit si Bernard at nagsimulang magtalo ang dalawa. Noong papatalikod na si Bernard ay saka siya pinalo ni Manalili ng pulo ng baril. Tinamaan siya sa kaliwang kilay at bumagsak sa sahig na dumudugo ang mukha. Sinubukan ni Bernard na tumayo pero sinapak pa siya sa mukha ni Roman at inihampas ang ulo sa bangketa. Tapos ay si Jethro naman ang pinagbalingan. Inutusan niya na pirmahan ni Jethro ang blotter katibayan na si Bernard ang nagsimula ng gulo.(Itutuloy)

ANTI-WIRE TAPPING ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with