ILANG sleep na lang barangay election na sa Philippines my Philippines pero up to now ay alaws pa ang barangay narco-list.
Bakit kaya ayaw pang ilantad o pangalanan ang mga ito?
Kailan kaya ilalabas ng DILG ito sa madlang people para magkaalaman kung totoo talagang may listahan?
Baka ‘hilaw’ pa ang information kaya hindi muna inilalabas ang talaan ng mga tatakbo sa karera este mali election pala kasi nga kawawa rin ang mapapangalanan dito o baka naman may galit lang sa kanila kaya sila isinama sa narco-list?
Maganda rin sana ito kung malalaman ng mga botante ang operasyon ng kanilang iboboto.
Sabi nga, may gabay sila sa pipiliin?
Naku ha!
Bakit pa?
Mga kilabot na lumalaklak ba ng droga, pushers o druglords ang nasa listing?
Teka nga pala, paano kung walang conviction puede ba nilang kasuhan ang mga bright na maglalatag ng kanilang mga pangalan sa madlang public?
Puede rin naman masira ang isang kandado este mali kandidato pala nang kanyang kalaban kung nasa narco-list ito .
Paano nga kung hearsay lang?
Mababalik pa ba ang nasirang pangalan?
Sino ang boboto sa kanya dahil the damage is already done?
‘Alam mo naman ang mga hilaw na impormasyon ‘tsismis’ pa lang pinapatulan na.’
Paano ngayon ang mga nasa barangay narco-list ilan sila at asan ang mga pangalan nila para nga naman habang maaga ay makapag-desisyon ang madlang voters kung ‘to be or not to be’ sila. Hehehe!
Sa isang barangay tiyak kilala ninyo ang mga kandidatong tumatakbo kaya dapat i-dobol check ninyo sila baka nga naman sangkot sila sa droga.
‘Imposibleng hindi kilala ng isang adik ang kanyang kapwa adik.
Sabi nga, amoy pa lang alam nila kung sino ang mabantot.
Kaya, huwag silang iboto!
Abangan.
* * *
LTFRB, ano ba iyan?
GUSTO ni Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Jericho Nograles na ibalik ng Grab ang P2-per-minute charge na siningil sa kanilang mga pasahero.
Ika nga, billion of pesos daw ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ‘hidden surcharge’ ng Grab ay panggo-goyo raw sa mga pasaherong tumatangkilik sa kanila.
Ang problema mukhang alam daw ng DOTr ang singilan blues ng Grab sa madlang passengers?
Naku ha!
Ano ba ito?
Hugas kamay ang gobierno?
Bakit?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang natauhan ang LTFRB sa kuentong dagdag singil na P2 per minute charges kaya nagsagawa ng pagsasatsat este mali siyasat pala.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang problema mukhang alam sa itaas ang hidden surcharge?
‘Palabas kaya ang ginawa ng LTFRB na patigilin ang Grab sa P2 per minute charge ?’ tanong ng kuwagong manghuhula.
Naku ha!
Ano ba ito?
Abangan.