^

PSN Opinyon

‘Insulto sa Presidente’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAYROONG mga nagpantig ang tainga matapos kong sabihing si General Oscar Albayalde ang top candidate for chief of police. And I was right.

I made the statement during my unfiltered interview with him bago ang bakasyon. Ang dating ay iniinsulto ko si President Duterte. Pinangungunahan ko raw ang Presidente dahil bilib ako kay Albayalde.

Was I insulting the president? No, I was not. Let’s be clear about this.

Ano bang basehan ko para sabihin ‘yun? Unang-una, accomplishment conscious si Albayalde at hindi performer.

Anong pinagkaiba? Parehong nagtatrabaho ‘yung dalawa, pero ‘yung isa may nakikitang resulta. Ang performer, may halong drama.

Pangalawa, I respect the guy. Kaakibat ng tiwala ay respeto -- at ang respeto’y nakakamtan sa pamamagitan ng track record.

Ilang beses na kaming natulungan ni general sa aming mga programa. At may maganda siyang record dahil siya nga’y… accomplishment conscious.

Dagdag pa rito, siya’y disiplinado’t matalino. Kahit ang pangulo, bilib kay Albayalde sa kanyang pagiging istrikto

Napansin ko rin ito sa kanya during our interview. No nonsense, no drama, diretso ang sagot.

The stricter the better, sabi nga ni President Digong. Napakaimportante nito sa hanay ng pulisya. 

Alam naman ng lahat kung paano magtrabaho si Albayalde. He is serious as a heart attack. Bigla na lang bubulaga sa mga presinto. Kahit mga station commanders, naiihi sa karsonsilyo.

Hindi na uubra ‘yung tutulog-tulog sa pansitan at nagpapalaki ng tiyan. He’s a disciplinarian and I can rest assured na magagampanan niya nang maayos ang tungkulin bilang hepe.

vuukle comment

GENERAL OSCAR ALBAYALDE

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with