^

PSN Opinyon

‘Tips para maka-iwas sa mga illegal recruiter’

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DALA ng kahirapan, marami sa ating mga kababayan ang mas pinipiling malayo sa pamilya upang makapagtrabaho abroad. Sa pinaka-huling tala ng Philippine Statistic Autho­rity (PSA) umabot sa mahigit 2.2 million ang bilang ng mga OFW sa iba’t ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre taong 2016.

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang na ito, parang kabuteng nagsusulputan din ang mga recruitment at consultancy agency. Problema, hindi lahat ng mga ito matitino. Karamihan sa mga ahensiya kung hindi delinkuwente, pabaya! Matapos gatasan ang mga aplikante bigla-bigla na lang mawawala. Masaklap pa, ‘yung iba walang lisensiya! Kaya ‘yung mga naghahabol na biktima, ‘alang magawa.

Pero hindi lang naman sa mga ahensiya ang prob­lema. Kung minsan kasi, tao na mismo ang may kasa­lanan. Ilan kasi sa mga Pinoy, sa kagustuhang makaalis at makapag­trabaho agad sa abroad, hindi na nakakapag-isip nang tama. Agad-agad naniniwala sa mabubulaklak na salita ng ahensiya at nag-aabot ng pera kahit sa mga taong hindi naman kakilala. Paaasahin at paghihintayin ng matagal pero ang ending, nga-nga! ‘Ala na ngang trabaho pati pera dedekwatin pa.

Para makaiwas sa mga illegal recruiter at hindi mabilang sa istatistika ng mga biktima, ito ang ilan sa mga dapat tandaan ng mga balak mangibang-bansa.

Una, siguruhin na ang agency na iyong ina-applyan ay lisensiyado sa POEA. Makipagtransaksiyon lang sa mga authorized person mula sa nasabing ahensiya.

Pangalawa, alamin ang tamang halaga ng placement fee. Kung magbabayad ng pera, ‘wag pumayag na walang­ official receipt at kung saan-saan lang makikipagkita. Tan­daan na ang lisensiyadong ahensiya dapat may sariling opisina.

Pangatlo at importante sa lahat, dapat alam ninyo ang inyong karapatan bilang aplikante. Tulad ng pagre-request ng refund kung sobra nang matagal ang iyong aplikasyon. Gasgas na ang mga paalalang ito pero marami pa rin ang naloloko. Minsan, hindi na ako naniniwalang dahil “hindi o walang alam”.

Sa layo na ng takbo ng teknolohiya ngayon sa bansa, wala ka ng puwedeng hindi malaman. Ang susi, ‘wag magmadali, sumunod sa tamang proseso, ‘wag matigas ang ulo! Para sa iba pang safety tips, maari niyong bisitahin ang aming website na bitagmedia.com.

PHILIPPINE STATISTIC AUTHO­RITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with