SABIT at parusang kamatayan ang hatol daw sa mag-watot na Nader Essam Assaf, Lebanese national at Mona Hassoun, Syrian national, ang pumatay at nagsiksik sa loob nang freezer ng labi ni Joanna Demafelis, isang Pinay overseas Filipino worker na inabuso, pinahirapan at tinigok ng mag-asawang kriminal.
Akalain mo naman may mga ganitong klaseng mag-watot na sobrang sama.
Sabi nga, mala-demonyo!
Dahil sa ginawa ng Kuwaiti court, marami ang natutuwa sa sintensiyang iginawad.
Sabi nga, bitay!
Pero tiyak na i-aapela ng mag-watot ito pero kailangan silang humarap sa korte.
Nagpapasalamat ang pamilya ni Demafelis dahil nabigyan ng hustisya ang ginawa kay Joanna.
Alam nating marami pang tanong at proseso kung paano maipatutupad ang sentensiya laban sa mag-asawa. Pero sa ngayon, kinikilala ng pamahalaan natin ang pagsisikap ng Kuwaiti government para igawad ang hustisya kay Demafelis.
Mukhang nagpakitang gilas ang gobierno ng Kuwait sa Philippines my Philippines dahil sa takot din nilang magkaroon ng total deployment ban ang madlang OFW dito.
Kaya naman nasisiyahan tayo kay Boss Digong dahil gusto niya magpirmahan sa memorandum of understanding tungkol sa labor conditions ng mga manggagawang Pinoy sa kanilang bansa.
Abangan.
• • • • • •
CebPac nagbawas ng kanilang flights
KINANSELA ng pamunuan ng Cebu Pacific ang kanilang Kalibo at Caticlan flights sa Aklan para sa tourist activitists, simula sa Abril 26 hanggang Oktobre 27, 2018, dahil sa gagawing pagsasara ng Boracay Island matapos itong ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman para mabigyan ng serbisyo ang mga local residents at para hindi maapektuhan ang kalakalan sa Northern Panay island, ipagpapatuloy pa rin ng Cebu Pacific ang kanilang operasyon sa Kalibo at Caticlan simula sa Abril 26 hanggang Oktobre 27, ang mga flights ay ang mga sumusunod :
Ang mga maaapektuhang mga pasahero ay puwedeng mag-refund, i-rebook ang kanilang flight o ire-route sa ibang domestic destination ang kanilang biahe.