^

PSN Opinyon

National Press Freedom Day

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

EVERY August 30, dapat ipagbunyi at ibuyangyang ang ‘National Press Day’ sa Philippines my Philippines.

Aprubado na sa Kamara ang nasabing pitsa este mali petsa pala para ipagdiwang nang bawat madlang Pinoy ang okasyon na ito.

Pasado sa 210 mambabatas na bumoto sa Kamara the other week ang House Bill 6922, ito ay itinulak nila para maalala si Marcelo H. del Pilar, bilang ‘erpat’ ng Philippines my Philippines Journalism.

Si del Pilar, na may alyas na Plaridel during Spanish time was born Augusto 30, 1850.

Kailangan ang batas na ito sa Philippines my Philippines dahil para malaman ng mga students ang importance nang malayang pamamayagpag este pamamahayag pala laban sa lahat ng uri ng mga karahasan sa larangan ng pagsusulat.

Sabi nga, ‘freedom of the press!’

May mandate ang gobierno kabilang ang AFP, PNP, DILG at mga private companies na bigyan ng pera este mali pagkakataon pala ang kanilang mga employees na sumama sa mga aktibidad ng may kinalaman sa pagdiriwang ng ‘FREEDOM OF THE PRESS!’

Libel case

NALUNGKOT ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa balitang inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang tatlong beteranong mediamen dyan sa Quezon province the other day.

Ang mga ito ay hindi na pumalag ng ipakita sa kanila ang warrant of arrest ng pulisya na nagbitbit sa kanila sa presinto.

Sinampal sila este mali sinampahan pala sila ng kasong libel nina Congressman Danny Suarez, asawa at anak nito sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Philippines my Philippines.

Ang tatlo ay sina Gemi Formaran ng Journal Group, Johnny Glorioso ng dzMM, at Rico Catampungan ng dzEC-Eagle Broadcasting Corporation.

Para makalabas ng presinto naglagak ng piyansa ang tatlo kaya naman nakalaya sila pansamantala that day.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang importante basta may katwiran, ipaglaban mo!

Abangan.

Binangga na, tinakbuhan pa

BIKTIMA ng hit and run ang kapatid ng aming brethren ng isang sasakyan na kulay ‘gray’ na may plate number ZTR - 199 dyan sa may Araneta Avenue corner Kapilugan St., dyan sa Kyusi.

Ang akala ng driver ng kotse makakalusot siya sa ginawa niya ang hindi niya alam sa SOS text message na ipinadala ng aming brethren ay kumalat na ang kaniyang ginawa sa lahat ng sulok ng Philippines my Philippines partikular sa mga autoridad.

Kamote, bukas tiyak kilala ka na!

Ang masama pa sa ginawa ng hunghang na ito tinakbuhan nang kamote ang biktima nito buti na lamang at marami ang nakakita sa pangyayari at may mga nagmalasakit na itakbo ito sa East Avenue Hospital.

Ang akala ng drayber na nakabangga ay ligtas na siya sa pananagutan pero ang hindi niya alam ay tina-trabaho na siya ng pulisya para siya mahuli at makulong sa ginawang kasalanan.

Sabi nga, maghanda ka ng pambayad!

‘Binangga mo na, tinakbuhan mo pa!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi nga, wala kang libag este mali habag pala!

Abangan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with