^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag hayaang malimutan ang trahedya ng SAF 44

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag hayaang malimutan ang trahedya ng SAF 44

TATLONG taon na ang nakararaan mula nang maganap ang pagmasaker sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF). Subalit mag­pa­­­­­ha­ng­gang ngayon, wala pa ring closure sa pang­yaya­ring ito. Ang sakit na naramdaman ng mga ka­anak ng SAF 44 ay maantak pa rin. Sariwa pa ang sugat at habang ginugunita ang ikatlong aniber­saryo, lalo nang umantak ang sugat. Isinisigaw nila ang katarungan para sa minasaker na SAF. Hanggang kailan daw sila maghihintay? Mayroon nang mga sinampahan ng kaso, kabilang si dating President Noynoy Aquino pero saan daw ito hahantong.

Sabi ng Malacañang noong Huwebes, gina­gawa­ nila ang lahat ng paraan para makamit ng mga ka­­anak ang hustisya. Hindi raw nalilimutan ang kabayanihan ng 44 na miyembro ng SAF. Tiniyak ng pamahalaan na makakamit ang hustisya.

Pero kailan makakamtan? Ito ang tanong ng mga kaanak. Kung magkakaroon daw ba uli ng imbestigasyon ay may mahuhukay nang katotohanan? May­roon na bang malalaman sa totoong nangyari.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado no­­­ong 2016, nagturuan ang military general at mga dating opisyal ng Philippine National Police na may kinalaman sa “Oplan Exodus”. Itinuturo ng military general ang dating hepe ng Special Action Force na hindi nakipag-coordinate sa kanila kaya hindi nabig­yan o napadalhan ng tulong habang nakikipagbakbakan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Pero itinanggi iyon ng dating hepe, maaga pa lamang ay humingi na siya ng artillery support sa AFP. Pero walang dumating na tulong. Dahil hindi nasaklolohan, nalagas ang 44 na miyembro ng SAF. Ang 44 ang nagsilbing blocking force sa mga sumalakay sa kubo ng teroristang si Marwan. Napatay si Marwan.

Halos pitong oras na nakipaglaban ang SAF 44 sa MILF at BIFF pero walang tumulong sa mga ito. Hinayaang patayin ang mga police commandos. Isang malaking katanungan kung bakit hindi nasaklolohan ng AFP ang mga nasukol na SAF 44. Ano ang nangyari? Ito ang paulit-ulit na tanong ng mga naulila.

Hindi dapat malimutan ang trahedya. Huwag ha­yaang matambak ang pangyayaring ito at mawala na lamang sa alaala.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with