^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lumago ang ekonomiyapero may nagugutom

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lumago ang ekonomiyapero may nagugutom

PUMANGATLO ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamalago sa Southeast Asia. Tumaas ng 6.7 percent ang ekonomiya sa fourth quarter ng 2017. Nakipagkarera ang ekonomiya ng Pilipinas sa China (6.9 percent) at Vietnam (6.8 percent). Pinagbasehan ng paglago ng ekonomiya ng bansa ang gross domestic product (GDP). Ang GDP ay ang kabuuang value ng mga naiprodyus na kala­kal at serbisyo.

Magandang balita ito. Sino ang hindi matutuwa kapag nalaman na nakikipagpaligsahan na ang eko­nomiya ng bansa sa China. Malaking bansa ang China at ang maikumpara ang ekoniomiya ng Pilipinas dito ay nakakahanga. Noong panahon ni P-Noy, nalampasan ng Pilipinas ang ekonomiya ng China. Malaking balita noon ang pangyayari sapagkat sino ba ang hindi magigimbal na ang higanteng  bansa ay malampasan ng maliit na Pili­pinas kung ang pag-uusapan ay ang ekonomiya.

Pero katulad ng reaksiyon noon, ganito rin ang paulit-ulit na sinasabi ng mga tao. Umangat daw pala ang ekonomiya ng bansa pero hindi nila maramdaman. Paano raw nangyaring umangat ang ekonomiya e marami pa rin ang mga mahihirap at nagugutom sa mga kalye. Nasaan ang sinasabing pag-angat ng ekonomiya gayung mataas pa rin ang mga bilihin, pasahe, bayad sa kuryente at tubig at wala namang dagdag sa sahod. Ang kinikita ay ganun pa rin at tila walang balak na  mag-umento.

Masarap pakinggan na tumaas ang ekonomiya pero mas marami ang matutuwa kung mararamdaman o malalasap ng mga karaniwang Pinoy ang pagbuti o pag-angat ng ekonomiya. Hangga’t walang nadarama ang mga Pinoy na paggaan sa pamumuhay, walang maniniwala na lumago ang ekonomiya. Baka isipin pa nila na “fake news” lang ang sinasabing paglago ng ekonomiya.

Maraming nagnanais na gumanda na ang pamumuhay ngayong 2018 pero tila hindi pa ito magkakaroon ng katuparan. Sana, madama ng mga tao ang sarap ng mataas o malagong ekonomiya.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with