^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, tanggalin ang mga bulok at mausok na jeepney

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sige, tanggalin ang mga bulok at mausok na jeepney

SINIMULAN na noong Lunes ng Metro Manila Development Authority at Land Transportation Office (LTO) ang pagsita sa mga bulok at mausok na jeepney at iba pang pamasaherong sasakyan. Sa unang araw ng kampanya, nakasita agad ang MMDA at LTO ng 123 jeepney na sobrang itim ng usok. Isinailalim sa smoke belching ang mga pinarang jeepney at hindi na sila nakawala. Nasa 130 naman ang mga sinitang pampasaherong sasakyan dahil may mga depektibong piyesa at kalbong gulong. Nasa 250 drivers ng mga sinitang PUVs ang inatasang magreport sa LTO sa loob ng 24 oras at ipainspeksiyon ang kanilang sasakyan kung ito ay maaari pang ibiyahe. Ang mga sasakyang babagsak sa inspeksiyon ay ipai-impound. Ang mga papasa namang sasakyan ay hahayaang makapag-operate pa sa susunod na tatlong taon. Pagkalipas ng tatlong taon, hindi na makakapagbiyahe ang mga ito dahil huhulihin na.

Napakadelikado ng mga jeepney na nahuli noong Lunes. Talagang dapat nang igarahe ang mga ito sapagkat ilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Hindi na dapat payagang ma­kabiyahe sapagkat maaaring mawalan ng preno o bumaliktad dahil sa sobrang kalbo ng mga gulong. Maaring sumabog ang mga gulong at mahulog sa bangin, kanal o flyover.

Ang kampanya laban sa mga bulok at mausok na pampasaherong sasakyan ay alinsunod sa jeepney modernization na uumpisahan nga­yong buwan na ito. Mahigpit ang utos ni President Duterte na walisin ang mga karag-karag ng jeepney sapagkat bukod sa delikadong sakyan ay nagdudulot pa ng grabeng air pollution. Ma­raming nagkakasakit dahil sa air pollution at kabilang dito ang sakit sa puso at baga.

Matagal na dapat ipinatupad ang kampanyang ito. Kahit walang modernisasyon, ang pag­­huli sa mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok ay malaking kasalanan sapagkat sumisira sa kalikasan. Ningas-kugon ang pamahalaan ukol sa problema sa air pollution. Ang tanong ay kung hanggang kailan ang kampanyang ito ng MMDA at LTO.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with