^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panawagan ng PDEA sa Grab at Uber

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Panawagan ng PDEA sa Grab at Uber

GINAGAWA ng drug syndicates ang lahat ng paraan para makapag-deliver ng kanilang produkto. Hindi sila titigil sa kabila na walang puknat ang drug campaign ni President Duterte. Maraming naiisip na paraan ang mga “salot” para magpatuloy ang kanilang negosyo.

Isa sa ginagamit ngayon ng drug syndicate ay ang pagdedeliber ng shabu gamit ang transport network vehicle services (TNVS) gaya ng Grab at Uber.

Ayon sa Philippine Drug Enforcment Agency (PDEA), nahuli nila ang isang nagngangalang Jovet Atillano, alias “OJ”, 32, habang nagbebenta ng shabu gamit ang TNVS. Ilang TNVS drivers ang kinontrata umano ni Atillano para magdeliber ng illegal drugs. Mismong sa doorsteps dinideliber ang package ng droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nagiging kalakaran na ngayon na gamitin ng sindikato ang TNVS para maging madali ang delivery at hindi rin gaanong halata ang modus. Nagpaalala si Aquino sa TNVS drivers at operators na maging maingat at baka ang kausap na nila ay magta-transport pala ng droga. Huwag daw magpapagamit sa sindikato. Kadalasan daw na gumagamit ng fictitious names at pre-activated SIM cards ang sindikato para hindi ma-detect. Nananawagan din naman si Aquino sa LTFRB at TNVS na tulungan sila para ganap na mahinto ang gawaing ito.

Kapag hindi nakipagtulungan ang Uber at Grab drivers sa PDEA, sila rin ang masisira. Maaaring wala nang tumangkilik sa kanila sapagkat nagi-ging courier sila ng droga. Dapat maging maingat sila at huwag basta-basta tatanggap ng customer at baka sindikato ng droga. Makipagtulungan sila sa PDEA para ganap na mapigilan ang sindikato. Ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad ang magiging susi para “mapatay” ang sindikato ng droga. Isuplong ng mamamayan ang mga nais magbenta ng shabu. Tigilan na ‘yan!

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with