^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalbaryo ng mga pasahero ng MRT-3

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kalbaryo ng mga pasahero ng MRT-3

WALA nang patlang ang mga nangyayaring aberya ng Metro Rail Transit (MRT)-3. Halos linggu-linggo ay may nasisira at walang magawa ang mga pasahero kundi tiisin ang kalbaryo na ilang taon nang nararanasan. Noong nakaraang linggo, muling nagkaaberya ang MRT-3. Tumirik habang patungo sa Shaw Blvd. Station. As usual, bumaba ang mga pasahero at naglakad na lamang. Wala nang silbi ngayon kung magmura man laban sa pamunuan ng MRT. At kung nakakamatay ang mura, tiyak marami nang opisyal ng MRT ang natigok.

Sino naman ang hindi magagalit na pagkaraang pumila nang pagkahaba-haba para makasakay, ang kalalabasan pala ay maglalakad din sila dahil titirik ang tren. Dalawang beses nagkaaberya ang MRT-3 noong nakaraang linggo. Sakit na ang biglang pagtigil na para bang naubusan ng hangin at hindi na makaabante.

Ngayong araw na ito, maraming nagdadasal na sana ay magdere-deretso ang biyahe ng MRT. Wala sanang aberyang mangyari. Pero malakas ang  aming kutob na magkakaroon muli ng aber­ya. Paulit-ulit na lang ang pagkasira dahil sa hindi maayos na pagmamantini.

Ang Department of Transportation (DOTr) na mismo ang nagsabi na mula pa Enero 2016 hanggang Hunyo 2017 ay nagkaroon na ng 3,824 na aberya ang MRT-3. Ayon kay DOTr Undersecretary fo rails Cesar Chavez, hindi na sila masaya sa nangyayari sa MRT-3. At kung siya lamang umano ang masusunod, gusto niyang kanselahin ang kontrata ng kasalukuyang maintenance provider ng MRT-3. Ayon kay Chavez, bigo ang Busan Universal Rail Inc. na maibigay ang safety at reliability ng train system sa bansa.

Sa 2019 pa umano matatapos ang kontrata ng Busan sa MRT-3. Ibig sabihin dalawang taon pa ang ipagtitiis ng libong pasahero ng MRT-3 sa halos linggu-linggong aberya. Mahaba-haba pa rin ang dalawang taon.

Bakit hindi agarang bawiin o kanselahin ang kontrata ng Busan gayung palpak naman ang ka­nilang serbisyo? Wala nang ibang paraan kundi palitan ang kompanyang ito na walang nagawa para mapabuti ang kalagayan ng MRT-3. Matatapos lamang ang kalbaryo ng mga commuter kung mawawala ang Busan Universal Rail Inc. at papalitan ng iba.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with