INUMPISAHAN na ang countdown sa pagbabalik ng BITAG Live sa bago nitong tahanan, ang People’s Television (PTV4) Para sa Bayan channel.
Isang linggo pa lamang ang nakakaraan ng makabalik ako mula sa bakasyon ko sa United States at aaminin ko, nag-aadjust pa ang body clock ko. Ganoon pa man, naghanda na ako at ang aming team sa mga bagong pakulo at atake ng programang Bitag Live.
Isang oras din ito na magsisimula ng 8:00 hanggang 9:00 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes kaya mas marami-raming isyung matatalakay at mapag-uusapan. Ganito ang inyong mapapanood na format – no holds barred analysis, birada, entertainment value, laughtrip at ang pinaka-popular na BITAG farm animals and more.
Maghahanda rin kami ng mga panauhin na matapang na sasagot sa mga isyu ng lipunan at sa no non-sense questions ni BITAG. Nakaka-miss din pala ang mga kolokoy at kolokay na alaga ko sa BITAG Farm lalo `yung iba diyan nananahimik sa ngayon sa di malamang dahilan.
Nakakatuwa na pinuputakti ako ng mensahe at comments sa Facebook ng mga tagasunod ng BITAG Live. Mga atat na ring mapanood sa TV at sa Facebook Live ang programa. Salamat dahil lalo akong ginaganahan umere ulit. Sadyang nag-a-adjust pa lamang ulit ako sa klima at oras ng Pilipinas.
Light lang muna ang kolum ko ngayong araw para maiba naman dahil raratsada kami ng aming team ngayong linggo kasabay ng pagsahimpapawid muli ng BITAG Live. Alam n’yo naman si BITAG kapag inumpisahan ko ang isang isyu, hinihimay bawat anggulo at pinag-uusapan ang lahat ng panig para sa kapakanan at kaalaman ng publiko.
Hindi iyon basta komento o opinyon lamang, may mga basehan at pinaghuhugutan ang bawat salitang binibitawan ko. Kaya nga no holds barred analysis eh, walang tinatago, matalinong usapan lang.
Oh mga Bitagers, don`t forget to shout it out! Mapapanood na simula bukas ang BITAG Live sa PTV 4 at livestream sa BITAG Live Facebook page. Kita-kits!