^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang makipagdakdakan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag nang makipagdakdakan

WALANG makukuha sa pakikipagdakdakan ni Pres. Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na kasalukuyang naka-exile sa Utrecht, The Netherlands. Para lang silang mga bata kung magbatuhan ng salita. Hindi ganito ang inaasahang pag-uusap ng dalawa makaraang magalit si Duterte sa ginagawa ng New People’s Army (NPA) na pagsala­kay at pag-ambush sa tropa ng gobyerno. Ang mas maganda ay gawin na lamang ng Presidente ang sinabing pakikipaggiyera sa NPA kaysa maggiyera sila ni Sison sa pamamagitan ng dila. Walang mahihita sa kanilang word war. Ang kailangan, ipakita ni Duterte na kaya niyang lupigin ang NPA na ngayon ay nag-aanyong mga terorista.

Nang magtalumpati si Duterte sa kanyang ikala­wang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, sinabi niyang hindi na siya makikipag-usap sa mga komunista. Ito ay dahil sa mga ginawang serye nang pagsalakay ng NPA sa mga sundalo at pulis sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pati ang Presidential Security Group (PSG) ay inambus ng mga NPA isang araw bago ang pagbisita ni Duterte sa Marawi. Isa pang ikinagalit ng Presidente ay nang sabihan daw siya ni Sison na “bully”.

Bilang ganti, sinabi ni Duterte na may colon cancer ang CPP chairman at isinusuka na ng Norwegian government dahil sa pagpapagamot nito. Payo ni Duterte kay Sison na magpakamatay na lamang ito.

Noong Miyerkules, bumuwelta si Sison kay Duterte. Kailangan daw magpatingin sa psychiatrist si Duterte para masuri ang mental health nito. Kinorek din niya ang sinabi ni Duterte na sinusuka na siya ng Norway. Sabi ni Sison, hindi  siya sa Norway nakatira kundi sa The Netherlands.

Walang katapusan ang pagdadakdakan ng dalawa at wala itong pupuntahan. Mas maganda pang huwag na silang maggantihan ng salita at maggiyera na lang. Iutos na ni Duterte ang pagsalakay sa kuta ng NPA at gamitan ng bomba. Wala na rin namang saysay ang peace talks kuno nila kaya magkasubukan na. Dapat na ring maputol ang ginagawa ng NPA na pang-e-extort at paghingi ng revolutionary taxes. Dapat din silang pagbayarin sa ginagawang pagsunog sa mga bus at pagsira sa mga tower ng communications. Wala silang pinagkaiba sa mga terorista.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with