^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang seguridad

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang  seguridad

KUNG hindi pa nangyari ang pagsalakay ni Jessie Carlos sa Resorts World Manila noong Biyernes, hindi malalantad ang palpak na security ng nasabing casino. Kung nagkatotoo ang unang hinala na tero­rista nga ang nakapasok sa casino, hindi lamang 37 tao ang magbubuwis ng buhay. Baka mas malala pa ang naging pinsala sa nasabing casino na madalas puntahan ng mga turista dahil lalakarin lang mula sa NAIA Terminal 3. Walang kahirap-hirap na nakapasok sa casino si Carlos at hindi nakapalag ang lady guard. Sa CCTV, dere-deretso na lumampas si Carlos at binalewala ang metal detector. Kung sanay ang lady guard ng hotel, maaaring napigilan niya si Carlos at hindi na ito nakapasok sa elevator at nakapunta sa second floor hanggang fifth floor kung saan siya nagsunog ng mga poker table, nagnakaw ng chips hanggang sa ipasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril. Nasunog siya mismo sa ginawang apoy sa isang kuwarto sa fifth floor.

Sa mga nangyaring ito, masasabi na walang seguridad ang mga guest ng nasabing casino. Kapag pala may biglaang pangyayari, wala nang maisip na paraan ang mga namamahala ng security. Kala­bisang sabihin na nasira ang kanilang diskarte o maaaring natakot sa ginawa ng nag-iisang gunman.

Malinaw na malinaw na mapapanood ang ginagawa ni Carlos sa CCTV. Bawat galaw niya ay nasubaybayan pero hindi pa rin nakagawa ng paraan ang in-house security kung paano madi-disabled si Carlos lalo na noong ito’y nasugatan sa paa. Halatang mahina na siya dahil nahihirapan nang umakyat. Walang nangahas na siya’y dambahin.

Walang nagawa ang security ng casino kaya nagawa ni Carlos na magsunog na naging dahilan para ma-suffocate ang mga guest na nagtago sa kanilang kuwarto. Wala ring nakaisip na agarang apulain ang apoy sa loob na nagdulot ng grabeng usok na pumatay sa mga biktima.

Nalantad ang katotohanan na walang kaseguruhan ang kalagayan ng mga guest sa mamahaling casino. Nararapat mamulat ang mga may-ari ng casino’t hotel para hindi na maulit ang malagim na trahedya na nilikha ng isang tao. Paano kung tunay na terorista ang magtangka?

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with