^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang control ang CPP sa NPA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wala nang control ang CPP sa NPA

HINDI na kontrolado ng Communist Party of the Philippines (CPP)-National Democratic Front (NDF) ang kanilang military arm na New People’s Army (NPA). Sa kabila na nag-uusap ang gobyerno at ang CPP-NDF, wala namang tigil ang NPA sa pagsalakay sa mga sundalo. Hindi na sila sumusunod sa anumang pinag-uusapan at walang pinaniniwalaang ceasefire.

Nang ideklara ni President Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao noong nakaraang linggo umapela siya sa NPA na huwag suma­lakay sa mga sundalo sapagkat ang mga tero­ristang Maute ang talagang pakay ng mga ito. Pero hindi nakinig ang mga rebeldeng komunista at nagsasagawa pa rin ng pagsalakay sa mga sundalo kahit ilang beses nang sinabing hindi kasama ang mga ito sa proklamasyon ng martial law.

Ang patuloy na pagsalakay ng NPA ang na­ging dahilan para kanselahin ng gobyerno ang ikalimang round ng peace negotiations sa CPP-NDF na tinakdang gaganapin sana sa Netherlands noong Sabado (Mayo 27) at tatagal hanggang Hunyo 1. Ang suspensiyon ng pag-uusap ay ikalawa na ngayong taon. Unang sinuspende ang pag-uusap noong Pebrero makaraan ang sunud-sunod na pananambang ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo. Pinababalik na ni Duterte sa barracks ang mga sundalo at pinalilinis na ang mga baril para makipagsagupa sa NPA. Pero napapayag muli ang gobyerno at nagkasundo muli sa pag-uusap noong Abril. Pero eto na naman, muling nagpakita ng katigasan ng ulo ang NPA at nagsasagawa ng mga pagsa­lakay kahit pa nga nakiusap na si Duterte.

Mas makabubuti kung itigil na ang pag-uusap sapagkat walang kahahantungan. Hindi na ka­yang pigilan ng CPP-NDF ang NPA at ginagawa na ng mga ito ang sariling kagustuhan. Ano ang mararating ng pag-uusap na mayroong nagtatraidor? Itigil na ang walang kuwentang pag-u­usap sapagkat nagsasayang lamang ng oras ang magkabilang panig.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with