^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon kay DENR Sec. Cimatu

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hamon kay DENR Sec. Cimatu

KINALBO ang kagubatan sa Brookespoint, Pa­lawan at tinawag ito ni dating Environment­ Sec. Gina Lopez na “masaker”. Ginawa ang pagputol sa mga kahoy dalawang araw makaraang i-reject ng Commission on Appointments (CA) si Lopez. Isang mining company ang pumutol sa mga kahoy na 100 taon na ang edad. Libong puno ang pinutol para maisakatuparan ang pagmimina sa lugar.

Ayon kay Lopez, ini-upload sa kanyang Facebook account ang mga kahoy na pinutol sa Brookespoint. Tinukoy niya ang Ipilan Nickel Corp., na nag-utos sa pagputol sa mga puno. Ginawa iyon ng mining company sa kabila na wala silang permit at walang protected area clearance. Ayon pa kay Lopez, apektado nang pagputol sa mga puno ang 3,000 ektarya ng agricultural land na pinagkukunan ng kabuhayan ng 30,000 katao.

Ang pagsisiwalat ni Lopez sa “masaker” sa Brookespoint ay kinumpirma naman ni Conrado Corpuz, pinuno ng DENR-Community and Environment and Natural Resources sa Palawan.

Nang interbyuhin sa isang radio program ang mayor ng Brookespoint, bakas sa boses niya ang pagkadismaya sapagkat pinagbawalan umano silang makapunta sa mismong pinagputulan ng mga kahoy. Nakapagtataka raw na maski ang mga pulis ay ayaw pumunta sa lugar para mag-im­bestiga. Naghihinala sila na baka pati mga pulis ay kakutsaba ng mining company kaya ayaw kumilos.

Nakaabot na sa kaalaman ni DENR Sec. Roy Cimatu ang nangyari sa Brookespoint at magpahanggang ngayon, wala pa siyang hakbang laban sa mining company. Malaking hamon kay Cimatu ang ginawa ng minahan na sa kabila na walang permit ay nagawang putulin ang mga kahoy. Makaya kaya niya ang minahan? Mapantayan kaya ni Cimatu si Lopez na lantarang nagpakita nang matalim na pangil sa mga iresponsable at gahaman na minahan?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with