^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawal nang magyosi sa kung saan-saan lang

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Bawal nang magyosi  sa kung saan-saan lang

NILAGDAAN na ni President Rodrigo Duterte ang Executive 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko at loob ng mga gusali. Hindi na basta-basta makapagsisindi ng yosi ang sinuman. Kailangang sa designated smoking areas lamang makakapanigarilyo. Sakop din ng kautusan ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na manigarilyo at magtinda ng sigarilyo. Bawal ding magtinda ng sigarilyo sa mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga menor-de-edad. Hinihikayat naman ang local government units (LGUs) na ipatupad ang pagbabawal sa paninigarilyo. Hindi dapat maging dekorasyon ang kautusan ng Presidente. Hindi dapat ningas-kugon sa pagkakataong ito. Marami nang batas sa bansa ang hindi naiimplement. Mahusay lamang sa una pero pagtumagal, wala na.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay ipinatutupad upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Ang second hand smoke ay sinasabing mas matindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon at maaaring lomobo ito sa walong milyon sa pagdating ng 2030 kung hindi magkakaroon nang seryosong kampanya sa paninigarilyo.

Ayon sa DOH, ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer at lung disease. Umano’y 14 mil­yong Pinoy ang may hypertension at ang dahilan ay ang paninigarilyo. Ang chronic obstruction pulmonary disease (COPD) ay isa sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Habambuhay na ang sakit na ito na kinapapalooban ng mahirap na pag­hinga.

Isa sa maaaring gawin para mapigilan ang paninigarilyo ay itaas ang presyo ng sigarilyo. Gawing­ P500 ang isang kaha para ma-discouraged­ ang mga nagyoyosi.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with