MULA SA PAGPAPATAYO ng mga bagong gusali para mabigyan ng magandang silid aralan ang mga tagong lugar at ang mahihirap na probinsya sa buong bansa ang Philippine Amusement ang Gaming Corporation (PAGCOR) ay naglaan naman sila ng oras para matulungan ang Philippine Red Cross-Olongapo Chapter (PRC-OC).
Isa na ang PAGCOR sa mga umaalalay sa ibang ahensya o organisasyon na tumutulong din sa mga mahihirap at nangangailangan.
Sa pamamagitan ng larong bingo ay nagsagawa sila ng Bingo for a cause para matugunan ang ilang pangangailangan ng PRC-OC.
Isinagawa nila ang Bingo for a cause upang makalikom ng sapat na halaga upang matustusan ang ilang mga proyekto ng PRC-OC
Idinaos nila ito sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Subic Gym, sa Ologapo City noong nakaraang Mayo 6, 2017.
Nakilahok ang 1,500 na indibidwal mula sa nasabing lugar at maging ang mga kalapit na komunidad ay dumayo rin upang makisali sa palarong ito.
Ilan sa paggamitan ng PRC-OC sa malilikom na halaga ay upang isulong ang ilang mga programa ng pagiging handa sa anumang uri ng kalamidad. Nariyan din ang para sa rescue and safety, restoring family links, blood Samaritan at trainings para sa mga volunteers.
Ayon kay Director Gregorio Elane, opisyal ng PRC-OC na ang paghawak ng ganitong uri ng fundraising tulad ng bingo games ay nagiging paraan upang mapanatili nila ang iba’t-ibang uri ng life-saving projects at procure equipment na tutulong sa kanilang pagganap ng kanilang tungkulin sa kanilang misyon pagsapit ng panahon ng emergency.
Ang bahagi ng nakalap ng pera mula sa nasabing palaro ay tutulong din sa PRC-OC upang mas mapalawig nila ang kanilang operasyon at mas makatulong sa mas nakakarami na nangangailangan ng dugo.
Hindi lamang ito para sa kanilang lugar sa Olongapo ngunit maging sa kalapit na lugar tulad ng Bataan, Zambales at Pampanga ay mabibigyan din nila ng ayuda.
“Dahil po sa mga fundraising events na kagaya nito, nakabili po kami ng barko na ating magagamit sa mga panahon ng sakuna,” pahayag ni Elane.
Dagdag pa ni Elane bingo ang kanilang napili para sa fundraising event dahil alam nilang maraming mahilig maglaro nito at tiyak nilang maraming taong tatangkilikin ito.
Labis silang nagpapasalamat sa PAGCOR sa walang sawang suporta sa ganitong gawain na nakakatulong sa pagsusulong nila sa kanilang dakilang adhikain.
Sa pahayg ni PAGCOR Asst. VP for Bingo Maria Teresa Ocampo na ang state-run gaming firm ay tumutulong na sa PRC-OC para makalikom ng sapat na halaga para sa kanilang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng pag-deploy ng kanilang pasilidad at ilang volunteers nang hindi nanghihingi ng kapalit sa mga benepisyaryo ng organisasyon.
“Ginagawa na namin ito ng ilang taon dahil naniniwala ang PAGCOR sa dakilang misyon ng PRC-OC,” ayon kay Ocampo.
Ma-suwerteng nanalo ng Php20,000 sa palaro ng PAGCOR na Bingo Bonanza 2017
Maliban sa Bingo Bonanza, ang ilang big-ticket events ng PAGCOR tulad ng Shower of Millions Bingo ay tumutulong din sa ilang organisasyon upang makalikom sila ng pera para matustusan at mas mapaganda ang kanilang pagbibigay ng tulong at ilang proyekto sa pagkakawanggawa.
Maraming mga organisasyon sa bansa na handang tumulong sa ating mga kababayan na mahihirap.
Malaking bagay ang ginagawang pagtulong ng PAGCOR sa Red Cross sapagkat sa oras na manalasa ang kalamidad sa bansa ay sila ang unang tumatakbo sa lugar upang magbigay ng pangunang lunas sa mga nasaktan o nasugatan.
Layunin ng PAGCOR na makatulong sa ilang organisasyon sa buong bansa. Isinusulong din nila ang adhikaing makapagbigay ng maayos na silid aralan para sa mga estudyante ng mahihirap ng lugar.
Ang Benguet ang isa sa pinagkalooban nila ng silid aralan. Sa apat na eskwelahan doon ay tig iisang gusali ang kanilang ipinagawa.
Sa hakbang na ito ng PAGCOR ay naalalayan nila ang local government na lalong mapababa ang bilang ng mga indibidwal na hindi nakapag-aral.
Mas inilalapit nila ang mga tao doon sa kanilang mga pangarap na umangat o guminhawa ang kanilang buhay.
Pinangunahan ni Asst. Vice President for Community Relations and Services Arnell Ignacio ang unveiling ng logo ng PAGCOR sa apat na palapag na gusali na may 32 silid aralan sa Baguio City National Science High School Brgy. Irisan, Baguio City.
Marami pang lugar sa iba’t-ibang sulok ng bansa ang naging benepisyaryo ng school building project ng PAGCOR. Maganda din ang may ibang umaatlalay sa ilang sangay ng gobyerno para maipatupad at maihatid ang mas magandang serbisyo sa mga tao.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotlines: 09198972854
Tel. Nos.: 7103618