^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura sa esterolalong dumami

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura sa esterolalong dumami

SA halip na kumonti ang mga basurang lulutang-lutang sa estero ngayon, lalo pang dumami at nagbabanta na maging dahilan nang pagbaha sa Metro Manila sa darating na pag-ulan. Wala pa ring disiplina ang mamamayan lalo na ang mga nakatira sa gilid ng estero at mga ilog sapagkat tapon lang sila nang tapon dito. Isang malaking basurahan ang mga estero at ilog at tila wala nang paraan para ma­disiplina ang mamamayan. Sa kabila ng mga paalala na huwag magtatapon ng basura, patuloy pa rin sa ginagawa at walang pakialam magbaha man sa Metro Manila. Wala rin namang ginagawang aksiyon ang mga pinuno ng barangay para mapangalagaan ang mga ilog at estero. Hindi na nila mino-monitor kung malinis pa ang mga estero na nasa kanilang hurisdiksiyon.

Sabi ng Metro Manila Development Authority­ (MMDA), may pananagutan ang mga barangay captain na maging malinis ang mga estero na nasa kanilang nasasakupan. Masasampahan sila ng kaso sa Ombudsman kapag pinabayaan nilang marumi ang mga estero. Kailangang mapanatili nilang walang basura ang mga daanan ng tubig.

Noong Marso 1, sinimulang linisin ng MMDA ang may 27 waterways sa  Metro Manila. At nakagu­gulat kung gaano karaming basura ang kanilang nakuha sa mga estero. Umabot na sa 685 na trak ng basura ang kanilang nakuha. Ang paglilinis sa mga estero ay bilang paghahanda sa darating na tag-ulan. Tatagal ang paglilinis hanggang Hulyo 26.

Karaniwang mga styropor na galing sa mga fastfood chain ang nakuha sa mga estero. Ang mga basurang ito ay hindi natutunaw kaya magbabara sa mga daanan ng tubig. Iba pang basura na nakuha ay ang plastic na supot mula sa mga malalaking malls. May sirang sopa, crib ng sanggol, sachet na kape, shampoo, sabong panlaba at iba pang plastic products na hindi natutunaw.

Paigtingin ang kampanya sa mga nagtatapon ng basura sa mga estero at kanal. Parusahan ang mga mahuhuling magtatapon. Kastiguhin naman ang mga inutil na barangay captain na walang pakialam kahit tambak ang basura sa estero. 

EDITORYAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with