^

PSN Opinyon

Pekeng kasal(Unang Bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG pinakamatibay na ebidensiya ng isang kasal ay ang mismong kasamiyento o kontrata nito. Pero paano kung itong kontrata mismo ang mali dahil hindi totoo ang pinalabas na pagkatao ng isa sa ikinasal. Puwede kayang basta burahin o kanselahin ang nakasulat sa kontrata ng kasal? Ito ang sasagutin ng kaso ni Ruth.

Si Ruth ay isa sa ating mga batang career woman na pumili ng propesyong mataas ang naging suweldo sa isang pharmaceutical company. Kahit pa subsob ang ulo niya sa trabaho ay hindi niya nakakalimutan na magkaroon ng lovelife. Nakilala niya si Randy at naging magsiyota sila matapos ang limang taon na pagliligawan. Kumbinsido ang dalawa na para talaga sila sa isa’t isa kaya tinanggap ni Ruth ang alok ni Randy na kasal.

Bago sila makapagpakasal ay kailangan muna ni Ruth na kumuha ng certificate of no marriage sa National Statistics Office (NSO) para mapatunayan na dalaga pa siya at walang asawa.

Nagulat si Ruth nang madiskubre sa certificate ng NSO na kasal na siya sa isang Koreano. Naganap daw ang kasal sa Cebu City Municipal Trial Court (MTCC). Dahil sa nangyari, kailangan pa tuloy magsampa ng petisyon ni Ruth sa korte para kanselahin ang entries sa kontrata ng kasal alinsunod sa Rule 108 ng Rules of Court para mabura ang lahat ng maling impormasyon tungkol sa sinasabing asawa.

Sa paglilitis ay itinanggi ni Ruth na nagpakasal siya sa Cebu. Hindi nga raw niya kilala si Kim Park. Ipinaliwanag din niya na wala siya sa Cebu noong petsa at araw ng sinasabing kasal upang humarap sa huwes dahil naroon siya sa opisina niya sa Makati at nagtatrabaho.

Pero inamin niya na kilala niya ang mga nakasulat na testigo ng kasal nang minsan siyang magtrabaho bilang receptionist sa isang hotel. Ang kutob niya ay ginamit ng isang travel agency ang mga impormasyon na binigay niya nang minsan siyang kumuha ng passport dito.

Kinausap din niya ang isang tauhan ng korte ng Cebu para tumestigo at patunayan na bagama’t may babaing dumating at humarap sa huwes nang araw na ginanap ang seremonyas ng kasal ay hindi si Ruth ang babaing sinasabing naging misis ni Kim Park. (Itutuloy)

 

 

PEKENG KASAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with