MAY kakampi si Boss Digong si Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam dahil bilib ang huli sa itinutulak na drug war ng una kaya naman ibubulong nila upang bayuhin este mali pagibayuhin ang pagsulong ng kampanya ng mga kasanggang bansa na kasapi ng Association of South East Asian Nations sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ok pala sina Boss Digong at Bolkiah kapag ang pinagusapan ay ang pagsugpo sa illegal drugs kasi magtutulungan sila para bakbakan ang illegal drugs.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam kung ang mga Asean countries ay magtutulungan para tapusin na ang problema sa illegal drugs.
‘Sangkaterba na ang nasirang mga pamilya dahil sa droga kaya panahon na para ito tuldukan.’ sabi ng kuwagon SPO -10 sa Crame.
Abangan.
Pagmamalasakit ni VM Joy
Nagsama-sama na ang iba’t -ibang organization at si Kyusi Vice Mayor Joy Belmonte para tulungan ang mga victims at survivors ng pang-aapi at karahasan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkasundo sila para mapalakas at bigyan tulong ang mga inaabusong madlang pinoy sa Kyusi.
Sabi ni Joy, ang pakikipag kasundo sa hanay ng NGOs ay panimula pa lamang para higit na mabigyan ng atensiyon, kalinga at malasakit ang madlang people na nakakalimutan na ng iba at nalalabag ang karapatan.
Ika nga, may 980 abuse persons ang kinakanlong ng Protection Center na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Belmonte na may edad mula 9 hanggang 18 anyos.
Karamihan umano sa kanila ay minolestiya,inabuso, sinaktan ng magulang,hinalay, inabandona ng pamilya at iba pa.
Sa loob ng center ay free ang medical assistance tulad ng laboratories sa Kyusi General Hospital, legal assistance, counselling echetera.
Mabuhay ka, VM Joy!