‘PDI, hala bira!’

“Dutertenomics”, para sa economic managers ni Pres. Rodrigo Duterte, eto’y pagbigay-diin sa salitang the golden years of infrastructure.

Matagal nang napag-iwanan ang Pilipinas ng mga karatig-bansa sa Asya. Sineryoso nila ang infrastructure development kung kaya sineryoso rin sila ng mga dayuhang namumuhunan sa kanilang bansa. Ito’y sa pamamagitan ng paglaan nila nang malaking porsiyento sa infrastructure. Hindi kapareho ng bansa natin, kapiranggot lang.

Sa Pinas, ilang administrasyon na ang namuno, simula kay Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at ang pinakahuli, etong si P-noy na walang ginawa kundi sisihin ang administrasyon ni Arroyo. Ang kanyang pinagmamalaki at pinagtuunan ng pansin ay ‘yung kanilang “tuwid na daan” na naging mukha ng kapalpakan at kapabayaan tulad ng MRT.

Ang kanyang slogan, “kapag walang korup, walang mahirap” eh saksakan naman ng katiwalian at bahid ng korupsiyon ang ilan sa kanyang mga Gabinete.

Itong isang malaking pahayagang dikit sa administras­yon ni Benigno “Noy” Aquino, ang Philippine Daily Inquirer (PDI) na panay ang mga expose’ sa mga di-kaalyado at di-kulay dilaw, nakasentro ang kanilang atensiyon sa korapsiyon ng mga nasa oposisyon noong panahon na iyon.

Kamakalawa, naglabas ng editoryal ang PDI na patungkol sa infrastructure development. Minaliit ang bilang ng mga naka-kasang proyekto ng Duterte administration. Ayon sa patawang editoryal, sa 17 infrastructure projects ni Duterte, 11 ay minana sa administrasyon ni P-Noy at isa sa administrasyon ni GMA.

Ipinagmamalaki ng PDI na ang 11 infra-projects na hindi natapos ng aanga-angang administrasyon ni P-Noy ay tila inaako ang kredito ng pamunuan ni Duterte.

Ang hindi naiintindihan ng PDI na sa sobrang katakawan sa laki ng budget noong panahon ni P-Noy eh hindi ginamit sa infra-projects na ito bagkus nag-forced savings.

Kaya nga lumabas ang Disbursement Acceleration Program (DAP) di ba? Nag-uunahang magtabi ng pera para magamit sa kalokohan nila, pinamudmod kung kaninong Poncio Pilato isa na riyan si Senator Sony Trillanes IV.

Hindi ito karangalan doon sa sinasamba n’yong dilawan bagkus kasiraan dahil ibig sabihin hindi nila trinabaho ang dapat na kanilang ginawa. Eto na nga, tatapusin na ni Digong ang pinabayaan ni P-Noy, intiendes? Hindi pa nga nag-uumpisa, binabanatan n’yo na, puro kayo hala bira!

Balance news and fearless views ba kanyo? Tell it to the marines!

Show comments