^

PSN Opinyon

‘Sumusobra na ba?’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SAPILITANG KINUHA, para makaiwas sa gulo ibinigay na sa kanila. Nang makuha ang gusto nagreklamo naman na maliit ang pabahay.

Maraming bumabatikos ngayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) dahil sa umano’y nagiging abusado na ang grupo. Nagsimula nilang agawin ang mga pabahay na nakalaan sa mga pulis at sundalo.

May ilan ding pabahay ang gobyerno na nakalaan sa mga informal settlers sa Metro Manila ngunit sapilitan itong kinuha at tinirhan ng Kadamay.

Nung una nagmatigas sila kahit pa may eviction notice na ang ipinaskil sa bawat bahay na inokupa nila. Para maiwasan ang karahasan at sakitan sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na ibigay na lamang ang mga pabahay sa miyembro ng Kadamay at gagawa na lamang siya ng mas malaki at magandang bahay para sa mga pulis at sundalo.

Kaya nasasabing nagiging abusado ang Kadamay dahil ngayong ipinagkaloob na sa kanila ang mga bahay na sapilitan nilang kinuha ay hindi pa sila nakokontento.

Idinadaing ng grupo ngayon na masyado raw maliit ang pabahay at tanging mga alagang hayop lang ng mga Senador ang kasya rito.

Iginiit ng Kadamay na makatarungan lamang daw ang kanilang ginawa dahil kung hindi sila gumawa ng ganitong uri ng hakbang ay hindi mapag-uusapan ang isyu o ang sinasabi nilang kabulukan ng National Housing Authority (NHA).

Idinadaing din nila na matagal nang nakatengga at walang nakatira sa mga pabahay ng gobyerno at nasasayang lamang ito kaya sila nagpasyang okupahin ito.

Inilalaban lang nila ang kanilang karapatan bilang mahirap na hindi kayang magbayad ng renta buwan-buwan.

Ang mga miyembro raw ng Kadamay ay yung mga taong nagtatrabaho na pa-extra-extra lang. Ang kinikita rin nila sa pagtatrabaho kalimitan ay sapat lamang o kulang pa minsan para sa pang araw-araw nilang pagkain.

May mga kasamahan pa sila na pinalayas na sa kanilang mga inuupahan dahil hindi na nakakabayad.

Hindi rin daw dapat tingnan ang tungkol sa pagbili nila ng mga cellphone at ilang kagamitan. Mababaw na dahilan daw ito kung pagbabasehan ang ganitong bagay.

Tinanong sila kung handa ba silang magbayad para sa bahay na inokupa nila. Humirit ang Kadamay na bigyan sila ng trabaho para makapagbayad sila.

Naranasan na ng kanilang miyembro na sa ilang mga relocation area na kapag hindi nakabayad ay nabibigyan sila ng notice of eviction.

Ang dalawang daang piso bawat buwan na babayaran nila ay habang tumatagal ay tumataas.

Hindi sila makakapangako na makakapagbayad sila dahil wala namang mga trabahong regular ang mga taong ito. Hanggat wala silang pinagkakakitaan ay libreng pabahay muna ang hiling nila.

Ilan pa sa hinihiling nila ay magkaroon ng direktang linya ng tubig at kuryente. Halos isang daang miyembro ng Kadamay ang nag-rally para humihiling na mapakabitan sila ng kuryente at tubig.

Hindi naman daw nila hinihiling na libre ang tubig at kuryente at handa silang bayaran ito.

Ang iba sa mga bahay na inokupa nila ay hindi pa tapos. Merong wala pang banyo.

Sinabi naman ng Mayor Celestino Marquez na ang mga pabahay na ito ay pag-aari ng NHA kaya dun dapat sila humiling na mapakabitan sila ng kuryente at tubig.

Napipilitan daw silang bumili ng tubig para may magamit sa pang-araw-araw.

Ayon pa sa kanila kaya raw hindi inookupa ng ilang beneficiaries ang pabahay dahil maliliit ito.

Bago pa man nila okupahin ang mga pabahay doon alam na nila kung gaano ito kalaki o kaliit.

Kung ang bilang nga ng walang nakatira ay alam nila nakikita din nila kung ano ang kulang sa pabahay tulad ng tubig at kur­yente pati na rin ang sira o kulang na kagamitan doon.

Hiniling nilang magkaroon sila ng libreng bahay dahil wala silang matutuluyan. Pinagbigyan sila ng Presidente dahil inalala din ang kanilang kalagayan bilang nabibilang sa mahihirap.

Ngayon gumagawa na ng paraan ang gobyerno na maipagkaloob na sa kanilang hinihinging bahay kulang pa rin at may iba pa silang demand.

Pati na rin ang pagbibigay sa kanila ng trabaho ay inilalatag na at pinag-aaralan kung paano sila matutulungan.

Una nang sinabi sa kanila na ang maibibigay na pabahay para sa kanila ay yung nasa mababang halaga lamang.

Sa bawat kahilingan nila may panibago na naman silang gusto. Kailan ba darating ang panahon na magkakasya sila sa kung anong naibigay sa kanila na una naman nilang ginusto?

Kapag naghanap ka ng kulang at problema paniguradong makakahanap ka dahil sa isang taong hindi nagkakasya sa kanilang hawak ay marami kang makikitang kakulangan.

Sa ginawa nilang ito nangangamba na ang ilang ahensya ng gobyerno na baka gayahin sila ng ibang grupo dahil nabigyan ng pabahay.

Una pa lang alam na nila ang problema rito pero tumuloy pa rin sila at nagmatigasan na hindi aalis kaya ipinagkaloob na sa kanila.

Ano ang mas pipiliin nila ang manirahan sa maliit na ta­hanan na kalaunan ay magiging kanila o ang magbayad ng upa buwan-buwan na nanganganib pang mapaalis kapag hindi nakapagbayad?

Kung nakakabili nga sila ng motorsiklo at cellphone kakayanin din nila ang halagang kinakailangan nilang bayaran bawat buwan para sa mga pabahay.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

KALIPUNAN NG DAMAYANG MAHIHIRAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with