Galit ba ang Diyos?

Marami ang nagsasabing nagagalit daw ang Diyos

Kung kaya ang mga tao sa daigdig nauubos

Ang trahedya’t kalamidad na sa mundo’y dumadagok

Itinuring nang marami na parusa sa sinukob

 

Sa Syria chemical weapon sa mga sibilyan pinabagsak

Kaya maraming mga tao ang nasaktan at nautas

Sa Great Britain pinasabog terminal ng mga bus

At doon ay kaydami ring mamamayan ang natodas

 

Sa Bangladesh ay bumaha at libo ang napalungi

Sa Iraq ay patuloy pa na maraming nasasawi

At dito sa Pilipinas may trahedya’t calamity

Na tumama kaya tayo’y nakalublob sa pighati

 

Kung kaya sa ating bansa ang trahedya ay naganap

Nang sa kinang ng salapi ay marami ang naghangad

Kalamidad ang isa pa na sa ati’y nagpahirap

Nang sa Quezon at Leyte ay maraming nangautas

 

Ang Diyos ay ‘di marunong magalit at magparusa

Pagka’t Siya’y Amang tunay na laging kumakalinga

Kaya tayo sa daigdig kadalasan ay masaya

Pagkat tanging hangad ng Diyos tayong lahat lumigaya

Show comments