^

PSN Opinyon

Mga berdeng pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG mga berdeng gulay at prutas ay kadalasang mainam sa ating tiyan, bituka at makatutulong sa pag-iwas sa kanser, tulad ng colon cancer. Ang mga berdeng gulay din ay nagpapababa ng cholesterol at timbang.

Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, broccoli, spinach at malunggay ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa bitamina at minerals. Ang mga berdeng gulay ay may taglay na “chlorophyll”, at iba pang sangkap tulad ng fiber, lutein, potassium, calcium, folate, calcium at vitamins A, B at C. Dahil dito, ang gulay ay makatutulong sa sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan at pag-iwas sa kanser.

Kung gusto ninyong pumayat, kumain nang maraming gulay. Madali itong makabusog at mababa lang sa calories. Para maging mas masustansya ang gulay, puwede itong dagdagan ng bawang, sibuyas at kamatis. Heto ang ilang halimbawa:

1. Broccoli at cauliflower -- Napakasustansya ng gulay na broccoli at cauliflower. Ayon sa US Department of Agriculture, ang broccoli ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa orange. Magkasindami ang calcium ng broccoli at isang basong gatas. Ang mga sanga ng broccoli ay may 3 doble ng fiber kumpara sa isang pirasong wheat bread. Ang broccoli ay may kemikal na sulforaphane na makatutulong sa pag-iwas sa breast cancer. Ayon sa World Cancer Research Fund, may 206 na pagsisiyasat ang nagsasabi na ang broccoli at cauliflower ay pangontra sa kanser sa bibig, lalamunan, suso, tiyan, baga, lapay (pancreas) at bituka.

May taglay na folic acid ang broccoli na kailangan ng bata sa sinapupunan. Mayroon din itong calcium na makatutulong sa pag-iwas sa osteoporosis. Ang isang tasa ng broccoli o cauliflower ay may taglay lamang na 46 calories. Kung gusto ninyong pumayat, kumain nang maraming gulay para mabusog agad.

2. Abokado -- Ang abokado ay mayaman sa masustansyang “mono-unsaturated fats.” Ito ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso at stroke. Ang abokado ay may sangkap na potassium, vitamin B6 at vitamin E. May tulong ito sa pagpapakinis ng balat. At dahil madaling kainin at tunawin ang abokado, mainam itong ipakain sa mga maysakit at may edad.

BROCCOLI

KANGKONG

PECHAY

REPOLYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with